55 barangay officials na nasuspinde, makakaupo na sa kanilang puwesto

Jan 21, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Makalipas ang mahigit na anim buwan na pagkakasuspinde ng 55 barangay opisyal na nanalo noong 2018 Barangay at Sangguiang Kabataan elections dahil sa hindi pagsusumite ng Statements of Contributions and Expenses (SOCE), ay binigyan ang mga ito ng pagkakataon ng Comelec En Banc na makapag-serbisyo sa barangay.
Sa bisa ng Comelec en-banc resolution number 18-1127-6, iniutos sa mga local election offices sa bansa na tanggapin na ang isusumiteng SOCE ng mga nasuspindeng barangay at SK officials at inatasan ang local Department of Interior and Local Government (DILG) na sabihan ang mga ito na isumite sa kanilang tanggapan ang Certificate of Compliance hanggang Pebrero 8, para mabigyan sila ng confirmation na makabalik na sa kani-kanilang barangay.
“Tumagal ang desisyon ng en banc dahil sa mga discussion kung gaano kahalaga ang SOCE at lessons na ito sa kanila at yong anim na buwan ay penalty na siguro sa kanila, kaya dapat huwag balewalain ang SOCE at dahil may provisions sa batas ay binigyan sila ng pagkakataon na makabalik sa puwesto,” pahayag ni Baguio Election Officer Atty. John Paul Martin.
“Ang mga nanalo lang ang tatanggapin namin na maghahain ng SOCE, para makaupo sila, yan ang utos ng en banc at yong mga natalo ay hindi namin tatanggapin,” pahayag ni Martin.
Mula sa 128 barangay ng lungsod ay 2,129 ang nag-file ng candidacy para sa barangay, samantalang 416 naman sa Sangguniang Kabataan, sa kabuuang 2,545 candidates.
Sa nasabing bilang, ay 1,785 lamang ang nag-file ng SOCE o 83.84 percent sa kabuuang bilang at 302 naman sa SK o 72.6 percent, sa kabuuang bilang na 2,087 winning and losing candidates.
Lumitaw na 344 ang hindi nag-file ng SOCE sa mga kumandidatong barangay officials at 114 naman sa SK positions.
Ang mga hindi nag-file ng SOCE na nanalo sa eleksyon ay kinabibilangan ng 1 punong barangay; 11 barangay kagawad; 3 SK chairmen at 40 SK kagawad.
Matatandaan noong Hulyo 2018 ay mismong si Mayor Mauricio Domogan ang nagpalabas ng memorandum sa 55 barangay at SK officials na hindi muna sila puwedeng pumuwesto sa barangay hangga’t walang ipinapalabas na desisyon ang en banc, sa layuning hindi maantala ang operasyon ng apektadong barangay.
Ayon kay Martin, unang nag-file ng SOCE ay si Barangay Chairman Emmanuel Cabe at dalawa nitong kagawad na sina Remedios Cabe at Alfredo Almoite Jr., noong Huwebes ng umaga (Enero 17), na agad din niyang inisyuhan ng certificate of compliance.
ZALDY COMANDA/ABN

RELATED POSTS

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro)...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest