6 katao huli sa drug den sa La Union

Headlines

Tubao, La Union – Isang drug personality ng Baguio City na lumipat sa pagiging drug pusher ang nagulantang nang matunton ang kanyang pinagtataguan sa bayan ng Tubao,La Union.

Nabatid kay PDEA-Cordillera Director Gil Castro, sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng magkasanib na tauhan ng PDEA at Rehiyon I ang drug den ng suspek na si Michael Bulatao sa Tubao, La Union, matapos ang mga kliyente nitong drug addict ay masakote sa magkakasunod na drug operation sa Baguio City at La Trinidad, Benguet, noong nakaraang linggo.

Ayon kay Castro, si Bulatao nan a nakatala bilang High Value Individual drug personality ay nagtago at sa kanilang intelligence reports ay lumipat ito ng pagiging drug pusher sa bayan ng Tubao.

Bukod kay Bulatao, limang kliyente nito ng droga ang nadatnan at dinakip at narekober ang P136,000 halaga ng droga. Samantala,nasakote na ang isang drug group leader at kasabwat nitong online drug seller sa may Barangay Central West, Bauang, La Union.

Nakilala ang nadakip na si Joy Lagpang Saliganan, 43, ng Barangay Natividad, Naguilian, La Union at Marlyn Bambao Gapuz, online seller, ng Barangay Central West, Bauang, La Union.

Napag-alaman na si Saliganan ay lider ng Saliganan Drug Group na nag-ooperate sa La Union, samantalag si Gapuz ay nakatala bilang PDEA Target Listed drug personality. Narekober ng pulisya sa operation ang may 25 gramo ng shabu na may halagang P170,000; isang cal. 22 revolver, na may 3 bala; isang genuine P1,00 bill na buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Zaldy Comanda/ABN