LUNGSOD NG BAGUIO – Nakapagtala ang rehiyon ng Cordillera ng 120 centenarians sa pagkadagdag ng pinakamatandang nabubuhay na “mambabataok” (tattoo artist) Maria Oggay o mas lalong kilala bilang “Ina Whang-Od”.
“As of March 21, Cordillera has recorded 120 residents who have reached the age of 100,” ani Department of Social Welfare and Development (DSWD) Cordillera marketing unit chief, Nerizza Faye Villanueva, noong Huwebes.
Sinabi ni Villanueva na si Whang-Od na nagdiwang na kaniyang ika-100 taong kapanganakan noong Marso 7 ay siyang ika-siyam na centenarian sa probinsiya ng Kalinga at isa sa 71 babaeng
centenarian sa rehiyon.
Inihatid ng DSWDCordillera ang PhP100,000 cash gift at isang liham ng pagbati sa pinakamatandang nabubuhay na mambabatok ng bansa sa kaniyang kaarawan sa kaniyang tirahan sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
May 30 iba pang centenarians sa Abra; 27 sa Mountain Province; 21 sa Benguet; 13 sa Baguio City; 11 sa Ifugao; siyam sa Kalinga; at siyam sa Apayao.
Sinabi ni Villanueva na ang pinakamatanda ay 115 taong gulang mula sa Natonin, Mountain Province ngunit namatay na ito. Ang ikalawang pinakamatanda ay isang 113 taong gulang na naninirahan sa Conner, Apayao.
Sinabi pa ni Villanueva na ang lahat ng 120 centenarians ay tumanggap ng kanilang PhP100,000 cash gift mula sa gobyerno at isang liham ng pagbati mula sa Pangulo ng bansa.
Ang Republic Act 9994 o ang “An Act Granting Additional Benefits and Privileges to Senior Citizens, further amending RA 7432 as amended, otherwise known as ‘An Act to Maximize the Contribution of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges’,” ay nagbibigay ng ilang insentibo sa mga senior citizens na umabot sa 100 taon ang gulang.
Isang hiwalay na halaga ang ibinibigay ng local government unit na nagpasa ng isang ordinansa na may kaugnayan sa pagbibigay ng espesyal na insentibo sa mga cetenarians.
“Turning a century old is the biggest milestone a person can achieve. You are very special and honored for all the great experiences and accomplishments that life has given you. May you be surrounded with happy memories from your family,” nakasaad sa liham ng pagbati na tinanggap ni Ina Whang-Od.
“We are honored and elated to recognize this milestone of a pride of the Cordillera. But it is not only Whang-od who is our treasure. All our centenarians and elderlies deserve the acknowledgment and respect from all of us for they possess the wealth of experience and gift of wisdom that only through time that they were able to acquire,” ani Villanueva habang ibinabahagi ang mensahe ni DSWD-Cordillera Director Janet Armas sa isang naunang press release.
“This is also very timely since we are observing Women’s Month this March. Apo Whang-od is an epitome of how a woman can bring pride and honor to her community, as well as challenge the misconceptions that our society has,” dagdag ni Armas added.
PNA/PMCJr./ABN
March 30, 2019
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025