Mga kasuutang Cordillera, pinuna sa Kababaihan Festival Socio-cultural contest

BAGUIO CITY — Sa pagtatapos ng taunang pagdir iwang ng Kababaihan Festival ngayong buwan, itinampok ng City Social Welfare and Development Office (CSWADO) ang mga natatanging kasuutan ng mga kababaihan ng Cordillera noong Miyerkules, Marso 27 sa PFVR Gym.
Sa isang Socio-cultural contest na pinangunahan ng CSWDO at ng KALIPI Federation of Baguio, Inc., itinampok ang mga galing at talento ng mga kababaihan sa layong madiskubre ang talentong matagal na palang nakatago at nang lalo pa itong mapaigting at magamit para sa kanilang ikauunlad.
Karamihan sa mga kasapi sa naturang paligsahan ay mga ginang ng tahanan na kinatawan ng mga women’s organization ng barangay na kanilang kinalalagyan.
Talento sa pagkanta, pagsayaw ng Philippine Folk Dances at Cordillera Ethnic Dances, pagpinta at ang pagmodelo ng natatanging kasuutan ng kababaihan ng Cordillera ang mga tampok na kategorya sa paligsahan.
Ang mga kasuutang Cordillera na ini-modelo ng mga nagpaligsahan ay pinuna ni Hapiyoh’ Mi Culture and Arts Center, Inc. executive directorMaria Catbagan-Aplaten na isa din sa mga hukom sa nasabing paligsahan.
Sinabi niya na may tamang paraan sa pagsuot ng mga natatanging kasuutan ng Cordillera.
“Yaman din lang na ito ay paligsahan, isuot niyo na ang pinakamagandang available sa inyo,” ani Aplaten.
Sinabi din ni Aplaten na maraming pagkakapareho sa mga natatanging kasuutan ng kababaihan dito sa Cordillera, pati na din sa mga kasuutan sa katimugang bahagi ng bansa, pero marami ding pinagkaiba.
Kasama na ang dalawang pulgadang haba mula tuhod sa tapis, at ang tamang posisyon ng kwintas na isinusuot sa ulo.
“Sa tapis, malalaman mo na kung taga-saang probinsya ang nakasuot,” dagdag pa ni Aplaten.
Samantala, dumalo sa okasyon si CSWDO officer Betty F. Fangasan na nagsabing, “It is high time for you to showcase your talents that may not have been explored yet.” (Panahon na para ipakita ninyo ang mga talentong di nyo pa natutuklasan).
Ang panauhing pandangal na si Councilor Lilia Fariñas ay nagsabi naman na, “Programs such as this is an avenue where we could know that our constituents, especially women’s groups also possess talents and with such programs, will bring the best in them.” (Ang mga ganitong okasyon ang siyang magbibigay daan para ating madiskubre ang kahusayan ng ating mga nasasakupan, lalo na ang kalipunan ng mga kababaihan).
Ang Socio-cultural contest ay bahagi ng pagdiriwang ng National
Women’s Month tuwing buwan ng Marso at may temang “We make change work for women”.
 
MJSdelRosario/ABN

Amianan Balita Ngayon