“Abante si Dante”

Inaasahan ng mga mamamayan ng labingisang bayan ng segunda distrito ng La Union, mula Rosario paakyat ng Bagulin, ang seryosong pakay na manilbihan bilang mambabatas si Tubao Mayor Dante Sotelo Garcia.

Uhaw na uhaw ang taumbayan ng segunda distrito sa mga lider gaya ni Garcia na ang tanging isinasa-isip ay paglilingkod sa bayan, hindi ang kapangyarihan at kayamanan. Sa unang tingin, pangkaraniwan lamang si Mayor Garcia.

Ngunit ito’y hitik sa karanasan sa pamumuno, pamamahala at higit sa lahat punong-puno ng panaginip para sa kaunlaran ng kanyang probinsya at kagalingan ng kanyang mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap.

Kanya’t sa pag-uumpisa ng kampanyahan ngayong Biyernes, buong pusong nagpahayag ng suporta ang mga lider simbahan at lider probinsya ng segunda distrito
ng La Union, sa hangaring pagbabago sa pamamagitan ng pagluklok kay Mayor Garcia bilang kinatawan nila sa Kongreso.

Mismong si La Union vice governor Mario Ortega, Tubao Mayor Jonalyn Fontanilla, Bagulin Mayor Virgilio Flor, Burgos Mayor Robert Madarang Jr., dating Bauang
Mayor Martin de Guzman, Aringay Mayor Eric Sibuma, at mga natatanging lider pulitikal ang sumususog sa pangarap ni Garciang higit pang ilapit ang pamahalaan sa taumbayan.

Pati na rin mga lidersimbahan ng Katoliko, Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, Seventh Day Adventist Church, Crusaders of the Divine Church of Christ, Islam, United Methodist Church, United Church of Christ of the Philippines, Iglesia Filipina Independiente ang sumanib sa krusada ni Garcia upang gawing issue-based at platform-reliant ang pangangampanya na walang bahid ng tradisyunal na pulitika gamit ang pera at sa pamimili ng mga ihahalal na nakasandig sa patron.

Mulat na ang mga botante ng La Union. Nagkakaisa na silang pagtagumpayan ang kasamaan at itaguyod ang mga programa, proyekto at mga balaking magsisilbi sa kanilang kagalingan at interes.

Amianan Balita Ngayon