Abra idineklara sa ilalim ng state of calamity

BANGUED, Abra—Dahil sa matinding pinsala na inabot ng lalawigan ng Abra ay isinailalim ito ng gobyerno sa “state of calamity” ito ay upang magamit nito ang resources ng lalawigan at mabigyan ng sapat na ayuda mula sa national government na gagamitin upang muling isaayos ang mag napinsalang ari-arian at mga buhay na nasawi.
Ayon sa ulat ang bayan ng Tayum ang naging sentro ng lindol na kung saan ay umabot ito sa 7.3 na magnitude at ito ay naganap ng umaga noong Miyerkules na kung saan ay naapektuhan din ang lalawigan ng Ilocos Sur ang syudad ng Vigan, Baguio City at La Trinidad, Benguet naramdaman din ito ng ilang bayan ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at maging sa Metro Manila.
Sa inilabas ng Provincial Resolution ay idineklara ang Abra sa state of calamity dahil sa laki ng pinsala na inabot ng lalawigan dulot ng paglindol na kung saan ay naapektuhan ang ilang ari-arian ng gobyerno at maging mga pribadong establismento at halos 80 na porsiyento ng paopulasyon ay naapektuhan sa nasabing lindol.
Sa ulat ng mga opisyal ng Abra may apat na bayan sa bandang norte ang isolated dahil nasira ang mga daan ito ay ang bayan ng Tubo, Daguioman, Bucloc at Lacub, samantalang tatlong bayan pa ang isolated dahil sa mga landslide na kung saan ay hindi madaanan ang mga kalsada ng mga bayang ito ng Malibcong, Manabo, Pidigan at Tineg.
Dalawang mga tulay naman ang nasira dahil sa pagyanig ito ay ang Manabo bridge sa bayan ng Manabo at Calaba sa capital town ng Bangued ay may tinatayang 20 government installations ang nasira dahil sa lindol.
Sinuspinde rin ng Abra ang mga trabaho sa lahat ng opisina maging sa pribado ito ay upang maiwasan ang maaring idulot na sakuna. Ayon sa tanggapan ng Abra disaster coordinating office manunumbalik muli ang trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno at mga pribvado sa August 1, 2022.
Samantala inaprubahan naman ni Abra Governor Dominic Valera ang pagkakadeklara ng lalawigan ito ay upang magamit aniya ang pondo ng lalawigan upang magamit sa rehabilitasyon at pagbibigay ng ayuda sa mga mamayan.
Matatandaan na agad din sumaklolo si Social welfare chief Erwin Tulfo sa unang araw ng lindol sa lalawigan ng Abra at Ilocos Sur upang mamigay ng tulong sa lahat ng nasalanta ng lindol at obserbahan ang operasyon ng kanyang tanggapan sa pagtulong sa mga biktima.
May nailaan ding P6 milyon n a pondo ang DSWD para sa Abra at may 2,000 food packs na naipamigay sa mga taong naapektuhan ng lindol. Sa ikalawang araw naman ay personal ding binisita ni Pangilong Bongbong Marcos Jr ang lalawigan ng Abra at Ilocos Sur aniya ibubuhos ang tulong sa mga apektadong mamamayan at lalawigan upang agad na makarekober ang bayan at ang mamamayan nito.
Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon