“Academic break kailangan ng mga mag-aaral”

Editorial

Inihayag sa isang ulat ng World Health Organization (WHO) na sa buong mundo, isa sabawat apat na katao ay magdaranas ng problema sa mental na kalusugan sa isang pagkakataon ng kanilang buhay at 450 milyon tao sa buong mundo ang may problema sa kalusugan ng pagiisip.

Noong 2015, ang paglaganap sa mundo ng karaniwang mga sakit sa pag-iisip haya ng depresyon, at anxiety disorders ay tinatayang nasa 5.5% at 3.6%; ang pagpapakamatay ay nasa 1.5% ng pandaigdigang kamatayan sa parehong taon. Sinabi ng WHO na ang malawakang pagkakaroon ng mga problema sa mental na kalusugan ay kalimitang hindi nagagamot at maaaring maging sanhi ng pinsala sa pagganap ng isang tao.

Ang pagsisimula ng pandemya sa Covid-19 ay nagtulak sa maraming tao na manatili sa bahay dahil sa mga restriksiyon sa paggalaw. Habang masaya ang mga magulang sa pangyayaring ito, hindi nila inaakala na ang pagkakapiit sa loob ng bahay ay magiging isang malaking problema, lalo na sa mga bata.

Napilitan silang tumigil sa kanilang pangkaraniwang mga aktibidad, na kalauna’y humahantong sa stress at pagkabalisa at iba pa.

Sinabi ni Dr. Cornelio Banaag Jr. Professor Emeritus, Child and Adolescent Psychiatry, University of the Philippines- Philippine General Hospital (UP-PGH) na kahit bago pa ang pandemya, ang isang nakakaalarmang pagtaas ng problema sa mental na kalusugan sa buong mundo ay napansin na. Sinabi niya na tinataya ng World Health Ordanization (WHO) na 10 hanggang 20 porsiyento ng mga bata at tin-edyer ay nakararanas ng iba’t-ibang uri ng diperensiya sa pag-iisip, na karamihang nagyayari sa mga adulto na nagsisimula sa edad na 14 at nananatiling hindi napapansin hanggang huli na ang lahat. Ang banta ng pagpapakamatay ay pinakamataas sa mga edad 15 hanggang 24 taong gulang.

Tinukoy ni Dr. Banaag ang isang school-based na Student Health Survey na ginawa sa pakikipagtulungan ng WHO at pribadong mga grupo, kasama ang US Centers for Disease Control ang Prevention mula Enero hanggang Marso 2021.

Sinabi niya na 17 porsiyento ng high school students (13 – 15 taong gulang) ay nagtangkang magpakamatay kahit isang beses, 12 porsiyento ang umamin na seryoso nilang ikinokonsidera na nagtatangkang mahpakamatay, at 11 porsiyento ang gumawa ng mga plamo kung paano nila isasagawa ang pagpapakamatay.

Ang “Inggit sa Social Media” (Social Media Envy) ay tinukoy din bilang isang moderate significant predictor ng mga sintomas ng depresyon sa mga mag-aaral ng Pilipino.

Pagkatapos ay dumating ang lumilitaw na krisis sa mental na kalusugan na may malubhang kakulangan ng mental health facilities (60 lamang) sa bansa, at halos 7 porsiyento ng lahat ng pampubliko at pribadong mga ospital ay may psychiatric ward, at ang ratio ng mental health workers (psychiatrists, psychologists, social workers) na may dalawa lamang sa bawat 100,000 populasyon.

Ang mga pangyayari ng pagpapakamatay sa mga kabataan ay tumataas. Sinabi ng “The State of the World’s Children 2021″ ng UNICEF, na ang pagpapakamatay (suicide) ay pang-apat na nangungunang dahilan ng kamatayan sa buong mundo ngayon sa mga edad 15 hanggang 19 taong gulang, halos 46,000 bata edad 10 hanggang 19 ang nagpapakamatay bawat taon, o isa sa kada 11 minuto. Tunay na nakakatakot, nakakaalarma at sobrang nakakalungkot.

Ayon kay Dr. Banaag ang mahalagang unang hakbang kung napansin ang pagpapakamatay at depresyon ay sa pamamagitan “pagsusuri sa depresyon” upang mapigilan ang mas malalim na problema sa mental na kalusugan at pagpapakamatay. Ang pagsusuri (screening) ay nakakatulong na magbigay ng tumpak na diagnosis, epektibong gamutan at naangkop na follow up.

Kailangang magpatupad ng ibang pamamaraan upang tugunan ang mga isyu ng accessibility, financial, physical at mental stress sa gitna ng pandemya sa Covid-19.

Panawagan nga mga mag-aaral na huwag lamang tingnan ang kanilang academic performance kundi pati na rin ang iba pang alalahanin gaya ng mahinang Internet, kawalan ng mga gamit, mahinang pagtulong sa pag-aaral, pisikal, mental at pinansiyal na hirap ng kanilang mga pamilya, para maka-agapay sa mga requirements.

Ang mga problema sa mental na likas na umuunlad ay pinakamabuting tugunan sa mga hakbang upang maiwasan sa murang edad.

Ang mga paaralan na siyang pangunahing kapaligiran ng mga estudyante sa panahon ng kanilan pormal na mga taon ng edukasyon ay dapat magtatag ng mga sistema kung saan ang aktuwal at potensiyal na mga problema sa kalusugan ng pagiisip sa mga kabataan ay matugunan.

Ang pagkaka-ugnay ng kalusugang mental ng mga magaaral, at pakikitungong akademiko, at kapaligiran sa paaralan ay napakahalaga.

Sa lahat ng kaganapan ay naihahayag ng lubos na “walang kalusugan kung walang kalusugan ng pag-iisip” at ang kalusugan sap ag-iisip ng mga mag-aaral ay mabuting imahe para sa mga institusyon ng edukasyon at magsisimula ito sa isang “academic break”.