AMIANAN POLICE PATROL

P57-M halaga ng marijuana plants pinuksa sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Nasa kabuuang P57 milyong halaga ng mga halamang marijuana ang nabunot at nasunog sa
Benguet at Kalinga sa isang linggong operasyon ng Police Regional Office-Cordillera noong Mayo 14-20. Sa rekord mula sa Regional Operations Division (ROD), ang mga operasyon ng pagsugpo ng marijuana sa lalawigan ng Benguet at Kalinga ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng kabuuang 227, 470 piraso ng fully-grown marijuana plants; 3,360 piraso ng marijuana seedlings at 95,000 gramo ng mga tangkay ng marijuana, na may kabuuang Standard Drug Price na P57, 028, 400.00.

Samantala, may kabuuang 5.63 gramo ng shabu na may kabuuang SDP na P38, 284.00 ang nakumpiska naman mula sa walong drug personalities na nalambat sa hiwalay na anti-illegal drugs operation na isinagawa sa buong rehiyon. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Christian Albert Garcia, 55; Belvet Palma, 47; Raysun Jacob, 39; Ramil Ong, 54; Chester Mamma, 19; Jay Ralph Casidsid, 18; Dave Perez, 19; at Obbed Cangitit, 41. Nahaharap ngayon ang lahat ng naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

 

P9.4M halaga ng marijuana sinunog sa Benguet

LA TRINIDAD,Benguet

Binunot at sinunog ng mga operatiba ng Benguet Provincial Police Office ang kabuuang P9.4 milyong halaga ng marijuana plants sa isinagawang operasyon sa pagpuksa sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Kibungan noong Mayo 20. Nabatid kay Col. Damian Olsim, provincial director, binunot at sinunog ng magkasanib na anti-illegal drugs operatives ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang kabuuang 980 piraso ng fully-grown marijuana plants, 320
seedlings at 75 kilo ng dried marijuana stalks. na may kabuuang kabuuang Standard Drug Price na P9,328,800 sa Barangay Badeo, Kibungan,Benguet.

Sinabi ni Olsim, nadiskubre ng mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station (MPS) at 2nd Benguet PMFC ang dalawang seedbed ng marijuana sa Sitio Lococ, Barangay Badeo, Kibungan na may humigit-kumulang 2600 piraso ng marijuana na itinanim na may SDP na P104,000.00.
Karagdagang 140 pcs ng FGMJP na may kabuuang SDP na P28,000.00 ang nadiskubre ng Atok MPS at 1st Benguet PMFC sa Sitio Patiknan, Barangay Caliking, Atok, Benguet. Binunot at sinunog ang lahat ng halaman ng marijuana habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang
mga posibleng magsasaka.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon