AMIANAN POLICE PATROL

24 wanted person nalambat sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Dalawampu’t apat na wanted person ang nasakote sa pinaigting na pagpapatupad ng manhunt operations sa buong rehiyon mula Hulyo 23 hanggang 29. Iniulat din ng Police Regional Office- Cordillera na 68 munisipalidad sa rehiyon ang nagtala ng zero crime incident noong panahon. Batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Baguio’s Finest ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 10 wanted persons na nahuli, na sinundan ng mga Cabalyeros cops ng Benguet PPO na may apat na arestado, ang Luminawa cops ng Kalinga PPO at Inayan cops ng Mt Province PPO na may tig-tatlong arestuhin, at ang Abante cops ng Abra PPO at Haggiyo cops ng Ifugao PPO na may tig-dalawang arestuhin.

Sa mga naarestong personalidad, apat na indibidwal ang nakalista bilang Most Wanted Persons (MWP), kung saan dalawa sa mga ito ay nakalista sa provincial at dalawang City level. Samantala, dahil sa pinaigting na presensya ng pulisya, 68 bayan sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at anim na istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa, dahil naitalang zero crime incident ang PROCOR sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 26 sa 27 munisipalidad sa Abra; anim sa pitong munisipalidad sa Apayao; 10 sa 13 munisipalidad sa Benguet; lima sa pitong munisipalidad sa Kalinga; ang 11 munisipalidad sa Ifugao; at ang 10 munisipalidad sa Mountain Province. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Camdas Police Station (PS) 2, Loakan PS4, Legarda Rd PS5, Aurora Hill PS6, Kennon Rd PS8, at Irisan PS9 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon