Ang lahat-lahat ay nangyayari ayon sa pagtatakda at ayon sa anomang ipinag-utos , yaon ang paniniwala ng mga muslim ang mga taga sunod ni propita muhammad s.a.w. at walang nangyayaring anuman sa sandaigdigan maliban sa pamamagitan ng karunongan ni allah , nang kanyang pahintulot- Sinabi ng allah sa banal na qur’an ; [ walang masamang pangyayari ang magaganap dito sa kalupaan at sa iyong sareli ( kaluluwa ) maliban na ito ay naitala sa aklat ng tadhana , bago pa namin pinapangyari ang magaganap , katotohanang ito ay lubhang magaan kay allah , alalaong baga ang QADR o kasasapitan ] qur’an 57:22- katotohanang aming nilikha ang lahat ng bagay sa QADR maka diyos na pagtatakda at pag-uutos sa lahat ng bagay bago pa ang pag-likha sa kanila , at ito’y nasusulat sa aklat ng mga pag uutos .
Al qur’an 54:49- Sinabi ni propita muhammad s.a.w. Kamangha-mangha ang pamumuhay o ( (ginagawa ng
mananampalataya !ang kanyang pamumuhay sa kabuuan nito ay mabuti para sa kanya , kung ang mabuti ay dumapo sa kanya , siya ay mapag-pasalamat , kung ang kapinsalaan ay dumapo sa kanya siya ay matiyaga at ito ay mabuti sa kanya , at ang ganitong masaganang kalagayan ng pagkatao ay para lamang sa mananampalataya …- ang propita muhammad s.a.w. ang nagsabi ; At maalaman na kung anoman ang mangyayari sa iyo Ay hindi maliliban na mangyayari sa iyo , at kung anoman ang hindi mangyayari sa iyo ay hindi nalalaan na mangyayari sa iyo …
ANG ISANG PANTAS SA ISLAM AY TINANONG TUNGKOL SA KASALANAN ; ito ba ay maboti para sa kaninoman ? Siya ay sumagot : ” oo sa kundisyun na ito ay marapat na sundan ng pagiging mapagsisi at mapagtika , sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran , at sa pagiging matapat na naaantig ng pagsuko sa kalooban . SI ALLAH ANG KATAAS TAASAN AY NAGWIKA ; ” marahil ay hindi ninyo naiibigan ang isang bagay ,ngunit maaaring ang isang bagay na hindi ninyo naiibigan ay mainam ( makabubuti ) sa inyo , at maaaring ang isang bagay na inyong
nagugustuhan ,ito ay masama ( hindi makabubuti ) sa inyo , datapuwat si allah ang nakakaalam at ito ay hindi ninyo nalalaman ” qur’an 2: 216 .
August 3, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024