Naglalaway ang jueteng “bookies” operation sa Nueva Vizcaya na agawin ang buong operation ng numbers game mula sa Small Town Lottery (STL). Sa laki ng kita ng jueteng sa Nueva Vizcaya, pakay ni Raul Longgasa, lider ng “bookies operation, na patalsikin ang palaro ng King’s 810 Gaming Corporation (KGC) na pinapangasiwaan ni Ret. Philippine Army Colonel Marlon P. Gauiran, ang general manager ng STL Nueva Vizcaya.
Walang takot si Longgasa, na taga bayan ng Bambang at mga alipores nitong sina Reggie Sta. Maria o “June” at “Borja” na nagbabalak angkinin ang inirehistrong palarong STL ng KGC dahil malapit ang sindikato sa isang
makapangyarihang personalidad sa probinsya. Bukod pa’y, may pinapalakad pa si Longgasa na nagngangalang
“Borja” at “Lino”, na nagpapakilalang dikit sa mga otoridad lalo na sa Criminal Investigation and Detection Group
(CIDG)-Nueva Vizcaya, upang banggain ang STL ng KGC upang ang sindikatong bookies nila ang pumalit.
Samakatwid, mukhang malalim at malawak ang koneksyon ng sindikatong bookies ni Longgasa na mapangahas na
bumabangga sa STL ng isang retiradong Colonel, na nadestino noong huling mga taong 2000 sa Presidential Security Group (PSG). Patunay na matibay ang koneksyon ng sindikato ni Longgasa, ay sa tagal nang nagbo bookies sa buong Nueva Vizcaya, halos walang huli sa kabila ng mahigpit ng tagubilin ng Philippine Charity Sweepstakes
Corporation (PCSO) na tanging KGC lamang ang lisensyadong magpalaro ng numbers game sa probinsya.
Saan sasandig ngayon ang mga nagpapatupad ng batas? Sa lisensyado o sa konektado? Sa batas na umiiral ukol sa mga palaro o sa batas ng kalansing ng salaping nakakasilaw? Hindi mahirap arukin ang kasagutan nito kung papairalin ang rationalidad at pagtangan sa batas. Ngunit kung ang umiiral sa mga otoridad ay ang pagkasilaw sa
salapi, saan pa sila papanig kundi sindikato ni Longgasa.
August 3, 2024
August 3, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024