Kaya’t ikaw,anak ko, maging malakas ka sa biyayang na kay Cristo Jesus, at ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa harap ng maraming saksi ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat na makakapagturo rin naman sa iba. Makipagtiis ka ng mga kahirapan, gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. Walang kawal na naglilingkod ang nakikisangkot sa mga bagay ng buhay na ito, yamang ang kanyang mithiin ay bigyan-kasiyahan ang nagtala sa kanya. Sinumang manlalaro ay hindi pinuputungan malibang nakipagpaligsahan siya ayon sa mga alituntunin. Ang magsasaka na nagpapakapagod ay siyang unang dapat na magkaroon ng bahagi sa mga bunga. Isipin mo ang sinasabi ko, sapagkat bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
II KAY TIMOTEO 2:1-7
May 28, 2017
May 28, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025