Pinagbantaan ng lasing na lalaki ang ate nito dahil sa mainit na pagtatalo na naganap bandang 11:30am ng Agosto 8, 2018 sa Purok 2, Outlook Drive Barangay, Baguio City.
Inireklamo ni Jovie Rose Luis Abesamis, 33 anyos, self-employed ang kaniyang kapatid na lalaki na si John Oliver Nucaza Luis, 26 anyos, construction worker, kapwa residente sa lugar.
Sa imbestigasyon, umuwi ang suspek na lasing at walang sabing sinigawan ang kaniyang ate ng masasamang salita at nagbantang papatayin ito nang paulit-ulit kaya nauwi sa mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawa. Kinuha ng suspek ang isang bolo at idinuro sa kapatid, at pinagbantaang papatayin ito subalit inawat ito ng kaniyang bayaw. Agad na tumawag ng police assistance ang biktima.
Nagtungo ang mga rumespondeng tauhan ng Station 3 ng BCPO sa lugar ng insidente at inaresto ang suspek at dinala ito sa himpilan para sa tamang disposisyon. Ang kaso ay nasa inquest proceedings.
August 15, 2018
August 15, 2018
June 23, 2025
June 23, 2025
June 14, 2025
June 8, 2025
May 31, 2025