Mga tanong sa West Phil. Sea!!!

Mula noon hanggang ngayon…pa t un gpatong na ang mga katanungan hinggil sa mga isyu sa West Phil. Sea. Patungpatong din ang sala-salabat na hakahaka. Ngunit wala pang konkretong kasagutan. Grabe ang problema sa isyung ito. Dapat maagapan baka lalo pang lumala at magbunga ng mas masahol pa sa kasalukuyang pandemya dahil kay Covid-19. Sige, […]

Continue Reading

Pantry…Bagong kontrobersiya????

Liban sa isyu ng Covid-19 at bakuna, nakikisabay pa ang tensiyon sa WPS…pero may bumuntot na kontrobersiya – ito ang mga Community Pantry sa buong bansa. Sus mariakusina….di na ba tayo nawalan ng kontrobersiya? At bakit naging usap-usapan kasi ang Pantry na ito? Hindi ba’t ang adhikain nito ay “TUMULONG SA MGA NANGANGAILANGAN?” Nasa pandemya […]

Continue Reading

Bakunahan….Sungki-sungki pa rin!

Anak ng buwayang nakaupo sa opisina…ano ba talaga ang dapat mangyari sa atin? Andiyan na nga ang unang bakunang dumating – ang Sinovac. Di pa rin magkaisa. May nagsasabing mahina raw. May nagsasabing maghintay na lang ng ibang bakuna. Sus ginoong walang saplot….ganito na tayo noon pang panahon ng mga kastila. Hanggang ngayon ba naman, […]

Continue Reading

Araw ng mga Puso… Dama mo ba?

Sana…sa araw ng mga puso….dama natin ang tunay na katuturan ng pagmamahalan. Sana…at marami pang sana ang kinakailangang himaymayin. Kasi nga naman, nasa panahon tayo ng delubyo dahil sa Covid. Kaya…ang tanong: dama mo ba ang pana ni kupido ngayong araw ng mga puso? Sa mga damatan, sabi nila…marami ng panhon ang dumaan sa kanilang […]

Continue Reading

Bakuna….Darating na ba talaga?

Talaga bang darating na ang bakuna kontra Covid- 19? Yan ang laging usal ng ating mga kababayan sa ngayon. Noong una…ang laging nasa utak ay..meron ba talagang bakuna laban sa Covid? Saan galing? Aling nasyon ang gumawa? Ayos ba ire o baka naman dispalenghado? Yan at marami pang mga putak ang suma-utak ng mga Pinoy […]

Continue Reading

Bakuna….Kontrobersiya Talaga!

Kung may anak ng pating at anak ng baka na pagmumura dahil sa inis…meron na naman tayong bago – ANAK NG BAKUNA! Talagang PUTRAGIS EH….sorry…Pilipino yan…sa Espanyol—simberguenza! Sa Katagalugan – ‘Namo! Sa Ilokandia – ‘Nam! Sa Luneta – Puzila!!! Sa “kabaret” – ilang tiket ka ba? He he…noon kasi, bago ka makakuha ng isasayaw, may […]

Continue Reading

Pasko sa Pandemya… Ano Kaya?

Ilang araw na lang…Pasko na. Ang tanong – anong templadang Pasko? Mapait…? Masakit..? Baka paskong walang lasa…? In short…walang kuwenta? Tsk..tsk…nakakapanghinayang na kapanganakan ni Hesus para sa mga nakakarami at dama ang dulot ng pandemyang-Covid. Pero para sa mga pusong bato na walang damdamin….baka balewala ang pandemya at tuloy lang ang kanilang ligaya nitong Kapaskuhan. […]

Continue Reading

Trahedya kakambal ba ng pulitika?

SUS GINOONG MAHABAGIN!!! Ano ba ireng nangyayari sa ating bansa? Patung-patung na ang mga trahedyang humilatsa sa ating harapan. Pero andito pa ang mga samot-saring mga kontrobersiyang kung wala kang pasensiya ay makakapatay ka ng SUROT. Yan nga ang ating upakan, mga pards kasi marami na ang napuputalan ng sintron at banas na talaga. Pero […]

Continue Reading

COIVD-19…Sinamantala ng mga ganid!

Mariakusina….Pandemya na nga…sangkatutak pa ang mga nagsulputang mga ganid. Di ba malaking kalintikan ire? Sa halip na tumulong sa kapwa, inaagawan pa ng lamang-bituka. Kaya ang talagang terminolohiyang dapat sa mga ganitong tao ay MGA GANID! Kung papano nabubuhay ang mga hunyangong mga ire…isaisahin nating halukayin. Pero bago sa lahat, salamat sa mga kababayan nating […]

Continue Reading