Author: Amianan Balita Ngayon

KRISIS… BAKIT LAGING SUMASABAY

Tanong: bakit kaya laging sumasabay sa lahat ng panahon ang KRISIS? Kahit pa napakahigpit at napakabigat ang mga paraan para kmakaiwas, bumubuntot pa rin ang krisis? Dahil kaya sa pangangailangan kaya ito laging sumasabay? Subukan nating himay-himayin mga pards: Sa Hulyo 24…malalaman na ng buong sambayanan kung ano ang buod ng mensahe ni Pangulong Bongbong […]

BANGON…PILIPINAS!!!!

Sa tuwing may nalulugmok …laging kaakibat ang katagang BANGON! Noong bata tayo, kapag nadarapa, laging umaalalay ang mga kamay ng ating mga magulang upang muli tayong bumangon at maglakad. Ito ang tema ng Daplis kaya samahan niyo kami mga pards: Nang tumama ang Avian Flu sa ating mga manukan, umalalay ang mga bakuna at gamot […]

NOON AT NGAYON…. ANO NA???

Kung ating ikumpara ang mga kaganapan noon at ngayon…malaki ang pagkakaiba. Marami na ang nabago. Bagama’t may mga eksena pa ring nagpapatuloy. Ating utayin ang mga KaDaplis: Noon…Pilipinas ang nagturo ng teknolohiya ng pagsasaka sa mga Vietnamese. Ang ating teknolohiya ang bumuhay sa kanilang sisinghap-singhap na kaalaman sa “farming”. Kanilang ginamit at pinagyaman ang natutunang […]

SALA-+SALABAT NA PROBLEMA….ANDITO NA!

Hindi naman panahon ng krisis nguni’t diyan tayo babagsak kung di maagapan ang mga mabibigat na problema sa kasalukuyan. Sabagay, saan daw ba nagmumula ang higanteng problema? Hindi ba sa ga-surot lang? Kaya ating himayin ang mga problemang ito, mga pards, hane: Una…lalo yatang lumalala ang pag-aalburuto ni bulkang Mayon. Ayon kasi sa pinakahuling ulat […]

GISING NA BULKAN… TRAHEDYA AND BADYA!

Tatlong bulkan ang nagbabadya ng trahedya sa ating bansa. Bantay-sarado ang ating gobyerno. Pondo angklado na rin. At sa tatlong bulkan (Mayon, Kanlaon at Taal) ang pinaka-nag-aalburuto ay ang Mayon sa Albay. Pero ang nakapagtataka… habang inililikas ang mga residente na nasa danger zone, dumadagsa naman daw ang mga lokal at banyagang turista upang panoorin […]

TUNAY BA TAYONG MALAYA???

Habang sinusulat ang espasyong ito, puspusan na ang mga paghahanda para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa June 12, 2023. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Kalayaan? Malaya ba tayo talaga? Ating talakayin mga pards: Mahirap tarukin ang tunay na katuturan ng “Kalayaan”. Pero una sa lahat, pasalamat tayo at sa literal na […]

KAHANDAAN TUWING BAGYO…. MAHALAGA

Napakahalaga ang kahandaan tuwing ganitong panahon ng tag-ulan lalo na kung may bagyo. Sabi nga nila…daig ng maagap ang masipag. Kaya sa pagdaan ng bagyong si “Betty”….di gaanong malala ang pinsalang iniwan sa ating bansa. Hindi kasing grabe ng mga nagdaang malalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas. Habang sinusulat ang espasyong ito, patungong Taiwan na […]

PANAHON NG KALAMIDAD… PAGHANDAAN

Hindi nagkamali ang PAGASA sa kanilang prediksiyon kamakailan na talagang papasok na tayo sa panahon ng tag-ulan. Katunayan, habang sinusulat ang espasyong ito…nasa tabi lang natin ang isang super typhoon (MAWAR) na may lakas na 185KPH (center wind) at pagbugsong aabot sa 230KPH. Dalangin natin na huwag na sanang pumasok sa PAR upang mailayo ang […]

MGA IMBESTIGASYON… KAILAN KAYA MATATAPOS???

Sa kasalukuyan, tambak ang mga kaso at isyung iniimbetigahan. Tambak din ang mga tanong: kailan ito matatapos? Kasunod na mga tanong: may hustisya o hahanapin pa? Ito ang mga eksenang kinahaharap ng ating bansa ngayun na kung kailan magwawakas…panahon na lang ang magdidikta. Kaliskisan nga natin ito mga pards: Kamakailan, napaulat sa pamamagitan ng DOJ […]

KULANG AT SOBRA…. PAREHAS NA PROBLEM!

Sala sa lamig…sala sa init. Ito ang sinaunang kasabihan at sumasalamin sa lahing Pinoy. Sa mababaw na pananaw: KULANG AT SOBRA…PAREHAS NA PROBLEMA! Ito ang temang gusto nating kaliskisan sa isyung ito ng daplis. Sundan: Kulang daw tayo ng kahandaan kung bakit nakapasok sa ating teritoryo ang Tsina. Maaring sobra ang ating tiwala. Sa ngayon, […]

Amianan Balita Ngayon