LA TRINIDAD, BENGUET – Arestado ang isang babaeng tulak ng droga sa isang buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng La Trinidad Municipal Police Station, Drug Enforcement Unit kasama ang iba pang intelligence units ng Benguet at PDEA sa Boted, Tawang, bayang ito, 2pm, noong Pebrero 8.
Kinilala ng pulis ang suspek na si Jane Abarracoso, 27, entertainer sa isang bar sa Bokawkan, Baguio City, tubong Sta. Maria, Bulacan at kasalukuyang nangungupahan sa Middle East, Quirino Hill sa lungsod.
Nahuli ang suspek matapos nitong pagbentahan ang isang police asset na nagkunwaring bibili ng droga. Nakuha sa kanya ang P7,000 buy-bust money na sinamahan ng P1,000 tunay na pera kapalit ng 2 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nakuha rin mula sa sling bag ng suspek ang dalawa pang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu at isang puting cell phone na gamit ng suspek sa transaksyon.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng LTMPS ang suspek habang inaayos ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kontra sa kanya. LALAINE T. PAYAY, UB Intern
March 3, 2018
April 13, 2024
April 7, 2024
October 21, 2023