Bagong alituntunin sa night market, itinakda ng lungsod

Oct 9, 2017

Kamakailan ay ipinagbawal ng Baguio City Market Authority (BCMA) ang pagluluto sa buong kahabaan ng night market sa Harrison Road dahil sa ilang paglabag sa kalinisan at sanitasyon ng mga food vendors.
Ayon kay Councilor Leandro Yangot, chairman ng market, trade and commerce and agriculture committee, ang kalinisan at sanitasyon ay matagal nang sinasabi ng BCMA subalit hindi tumugon ang mga food vendors. Dahil dito ay hindi na sila pinayagang magluto sa lugar.
Sa pakikipagpulong ng mga food vendors kay Mayor Mauricio Domogan at health services office ay babalangkas ng alituntunin para sundan ng mga food vendors.
“We want to give you (food vendors) livelihood but we also expect you (food vendors) to cooperate and comply with the sanitation requirements of the city,” pagdidiin ni Domogan.
“Don’t feel bad if there will be sanitary inspectors who will check your area because the city wants to protect the health safety of the people,” dagdag ng mayor.
Tinitingan ng pamahalaang lungsod na ayusin ang lugar para sa kaginhawaan at kaligtasan ng lahat ng vendors at ng publiko dahil patuloy na umaani ang night market ng popularidad mula sa domestic at foreign tourists.
Kumikita ang night market ng nasa P1.5 milyon bawat buwan para sa gobyerno.
Samantala, upang mapagbigyan ang daan-daang walk-in at interesadong vendors sa night market ay nasa proseso ng pagsasaayos sa parking spaces sa Perfecto Street ang gobyerno ng lungsod.
Sa kabila ng malaking bilang ng sumasalungat sa panukalang extension ay napagdesisyunan ng Baguio City Market Authority (BCMA) na ituloy ang plano kabilang ang Perfecto Street na maging night market.
May 160 vendors ang mapagbibigyan sa extension area na may pare-parehong espasyo na ookupahin ng night vendors sa Harrison Road.
Ihahayag ng BCMA ang availability ng karagdagang slots sa mga interesadong market vendors sa oras na makumpleto ng City Engineering Office ang sukat ng mga espayo na ipapaupa at ang paglalagay ng kaukulang lighting fixtures sa nasabing extension area.
Samantala, ang plano ng lungsod na ilipat ang aktibidad sa night market sa Melvin Jones Football Grounds ay pinag-aaralan pa.
Binigyan-diin ni Mayor Domogan na sa oras na matapos ang plano ay magiging libre ang Harrison Road sa pagsikip ng trapiko, mas ligtas para sa vendors at mga mamimili at magiging kaaya-aya pa sa publiko.
Inatasan ni Domogan ang city engineer’s office at city buildings and architectures na magtulungan at tapusin ang plano upang matapos na ang estimated budget para sa nasabing proyekto. ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest