3 menor de edad, nangholdap sa Irisan

Tatlong menor de edad ang nangholdap ng isang call center agent bandang 12:30am ng October 1, 2017 sa Purok 13, Irisan, Baguio City.
Sa imbestigasyon, nag-aabang ng taxi ang biktimang si Mary Jean Rabina Sagun, 26 anyos, single, call center agent at residente sa nasabing barangay nang bigla siyang lapitan ng tatlong menor de edad at tinutukan diumano ng kutsilyo ang kaniyang beywang. Kinuha ang bag na naglalaman ng cash na P1,700; headset na pag-aari ng Sitel na nagkakahalaga ng P5,000; at iba’t ibang identification cards at ATM cards. Isa rin sa mga suspek ang diumano ay nanghimas sa dibdib ng biktima.
Ang mga menor de edad na suspek ay nahanap ni Purok leader Jenny Miguel at Barangay Tanod Melvin Sabalo bandang 6:30am ng October 1 sa kani-kanilang bahay. Ang kaso ay isinangguni kay Pros. Ruth Bernabe na nag-utos na ilipat ang mga menor de edad sa Silungan Center, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon