Dalaga, huli sa pagnanakaw

Huli ang isang dalaga sa pagnanakaw sa kilalang bazar bandang tanghali ng October 3, 2017 sa Upper Magsaysay Avenue, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, nakita ng complainant na si Mirasol Calipay Besido, sales promo personnel ng Tiongsan Super Bazar, ang suspek na si Arlene Carabuena Chavez, 25 anyos, single, at residente ng Camp Henry T. Allen, Baguio City, na naglalagay ng mga polo shirts sa loob ng kaniyang suot damit.
Agad namang inireport ni Besido sa kaniyang supervisor ang nakita kaya inatasan siya ng supervisor na mag-abang sa exit point ng bazar upang maharang ang suspek. Sa paglabas ng suspek ay hindi dumaan sa kahera kaya hinarang ito ni Besido at kinapkapan.
Nakuha sa suspek ang 10 piraso ng polo shirt sa iba’t ibang sizes, kulay at brands na nagkakahalaga ng P2,100.
Rumesponde ang mga personnel ng Station7 ng BCPO upang maaresto ang suspek at kalauna’y dinala sa Baguio City Jail sa utos ni Inquest Prosecutor Farah Agunos.

Amianan Balita Ngayon