Sa unang termino ni Punong Barangay Carol B. Domogan ay ginugol niya ang kanyang oras at panahon sa paglalakad nito para magkaroon ng bagong barangay hall sa kanyang nasasakupang barangay ng Dominican Mirador, Baguio City na may populasyon na 5,006 sa kasalukuyan.
Sa tulong ng kanyang barangay council ay natapos ang plano at naaprobahan na rin ang proposed budget ng Multi-purpose barangay hall with gymnasium sa lawak ng lupain na may 456 square meter na itatayo sa tabi ng Jesuit Priest, Lourdes Grotto at may parking space rin.
Ang mga maaasahan na kagawad ni kapitana na buong pagkakaisang sumusuporta sa layunin ng kanilang vision and mission ay sina Kag. Remedios D. Laigo – komite ng Tourism, Kag. Recardo N. Niere – komite ng Peace and Order, Kag. Samuel A. Dominguez – komite ng Clean and Green, Kag. Margarita B. Dumaguing- komite ng Education, Kag. Susana Garcia-komite ng Youth and Sports at Kag. James Castro Sr. – komite ng Health and Sanitation, ang matapang na chief tanod naman ay si June P. Jacala, ang masisipag na secretary na si Brenda Liza D. Ting at treasurer Rebecca P. Nillo.
Malungkot na naikwento ni Kapitana nang bago siya naupo sa barangay ay zero budget ang kanyang nadatnan at walang turnover na naganap sa pagkakapalit nito sa dating kapitan na kung saan ay nasuspinde ito ng six months noong 2016 dahil nasampahan ito ng kaso sa ombudsman.
Ganunpaman, sariling pera na ni Kap. Carol ang isinakripisyo para maumpisahan nitong itaguyod ang kanyang barangay at tanging mga kagawad nito ang kanyang mapagkakatiwalaan at maaasahan na makakatulong para sa pagbangon ng barangay.
Maraming binalikan na mga transactions sa barangay na napabayaan kaya unti-unti ay nakakaipon ng laang-gugulin na dito ay unang pinunan ang mga gamit sa barangay, computer sets, cabinets, tables and chairs at mga pasilidad na magagamit sa barangay.
Sa tulong rin ng mga negosyante at mamamayan na nagbabayad ng taxes, permits, clearances sa barangay ay dito tuluyang nakaipon ang barangay at lumaki ang Internal Revenue Allotment (IRA) na umabot sa P4,008,750 ngayon 2017.
Kaya naging maganda ang record nito sa infra nang maipaayos ang drainage canals sa Sector 4 at 6 na tinustusan ng P.5 milyon at ang planong pagtatayo ng View Deck, ang pagmimintina ng beautification, tree planting sa bawat purok nito.
Itinataguyod rin ni kapitana na mamintina ang Peace and Order at mahigpit na ipinatutupad ang curfew sa mga minor mula 7pm hanggang 5am.
Ang siyam na CCTV ang nakakalat sa barangay habang gabi-gabi rin ang pagpapatrulya ng mga tanod.
Ang primerong problema pa rin sa barangay ay ang land dispute, “hindi talaga natin maiwasan na magkaron tayo ng ganitong problema sa mga squatting, minsan magugulat ka na lang makita mo sa una ay yero at kahoy lang ang gamit, pero pag kalaunan ay nagiging konkreto na ito, sabagay karamihan naman dito na nagtatayo ng shanty ay mga matagal ng tagarito na umaabot na sila ng 10 to 15 years, kaya para na rin sa kanilang pamilya ay kapilitan silang nagtatayo kung saan ang public land, pero wala naman tayo magagawa kapag kumilos ang city,”
“Medyo nabawasan na rin ang mga asong gala dito na nirereklamo ng mga residente dahil nagkakalat ng dumi, ang barangay namin ang napabalita noon na maraming galang aso nagkalat sa kalsada, kaya pina implement namin ang pagmumulta sa sinuman ang mahulihan na residente na hindi itinatali ang kanilang aso,”
Umani ng awards ang barangay bilang Most Outstanding barangay Peace and Order Committee, Finalist Best Peace and Order Committee.
Humihiling rin si Kapitana na sana mabigyan rin sila ng share sa Diplomat Heritage Hotel na isang tourist spot attraction dahil isa rin si Kapitana member ng Barangay Tourism Council at ganun rin sa Jesuit Priest humiling ng share para man lang sana sa barangay dahil sila ang nagmimintina ng peace and order sa traffic, nagsasagawa ng beautification and cleanliness.
“Tanging hiling ko na lang bago matapos ang termino ko ay matupad maitayo ang Multi-purpose barangay hall with gymnasium bilang regalo sa aming barangay,” pagtatapos ni Kapitana Carol Domogan.
Ni: Mario D. Oclaman, mobile # 09473472254
November 18, 2017
November 18, 2017
November 9, 2024
November 9, 2024
November 9, 2024
November 9, 2024
November 9, 2024
November 1, 2024