BAGUIO HANDA KA NA BA?

Naimbag nga aldaw manen kada kayo nga awan malabsan nga supporter ken readers ti Amianan Balita Ngayon sapay koma ta ti bendisyon ti Apo sadi Langit ken agnanayun kada tayo amin.

Ok ngarod daytoy man ti naisawang ti maysa nga kadwa tayo ng Baguio Journalist idi makatungtong mi ni Apo Mayor Benjie Magalong maipanggep ti solusyon na iti problema tayo ti trapiko ditoy syudad ti Baguio, Ket nakunana nga adda ti traffic scheme tayu nga maipapatungpal nu sumangbay ti Pascua tayo ditoy syudad ta nu kastoy nga panawen ti panag-byahe dagiti turista nga agselebrar ti Pascua ditoy Baguio gapu iti nalammen nga panawen.

At ito nga ang nasambit ni Mayor Magalong na ayon sa kanya handa na umano ang mga otoridad ng Baguio sa pagdagsa ng mga turista sa kapaskuhan na siyang magdudulot ng mabigat at
problema sa trapiko lalo na sa loob ng central district office at sa mga lugar na kung saan ang mga tourist spot ng Baguio ay naroroon.

Ito ang naipangako ni Magalong na pinaghandaan na umano ng tanggapan ng Baguio City Police Office sa ilalim ng Traffic Enforcement Unit at ng tanggapan ng City Engineering Office Traffic and Transportation Management Division ang isasagawang traffic rerouting at kung saan magsasara o magbubukas ng mga daanan papasok at palabas ng syudad.

“Wala namang bagong scheme yun pa rin subalit dadagdagan natin ang mga traffic enforcers at kailangan na agahan ang deployment sa kanila upang Makita agad ang maaring solusyon sa trapiko”, ani Magalong. Kapag ganitong panahon ng Pasko na kung saan ay bumper to bumper ang trapik ay talagang sasakit ang ulo tapos may mga pasaway pang mga drayber na ayaw magbigay at ipipilit na isiksik ang kanyang sasakyan kaya ang payo ko ay habaan ang pisi ng pasensya upang maiwasan ang “road rage”.

Noong nakausap naming si Mayor Magalong nasabi niya na nakipag ugnayan na rin ang traffic enforcers sa transport group ng lalawigan ng Benguet na mag-extend sila ng mga sasakyan sa gabi upang mayroong masakyan ang mga taga Benguet pagbalik sa kanilang mga tirahan upang maiwasan na ma-stranded ang mga ito.

Isa ito sa nagiging problema ng mga pasahero na dumarayo sa lunsod ng Baguio na mula pa sa La Trinidad o Tuba at Sablan dahil minsan wala na ang mga jeepney na nakaruta sa kanila kaya ng bagsak taxi na ang kanilang sinasakyan pauwi na kahit na doble ang bayad ay pikit-mata nila itong tatanggapin dahil wala rin lang silang magagawa. Ayaw din naman nila na mag stay at home dahil wala na nga namang Covid-19 ano pa ang gagawin nila sa bahay kundi maglamyerda.

Amianan Balita Ngayon