Baguio nagsagawa ng pagbabakuna sa bahay-bahay

LUNGSOD NG BAGUIO – Nananawagan ang City Health Services
Office (HSO) sa publiko na dalhin ang kanilang mga anak edad anim hanggang 59 buwan gulang sa alinmang health center sa lungsod o hintayin ang mga health workers na nagsasagawa ng libreng house-to-house vaccination na nagsimula noong Lunes,
Pebrero 18, 2019.
Ang anti-measles vaccines ay ibibigay sa mga batang anim hanggang 59 buwan gulang  habang ang anti-Japanese encephalitis sa mga
batang siyam hanggang 59 buwan gulang.
Ang Oral Polio vaccines, gayundin ang oral Vitamin A supplementation ay ibibigay din kasama ang tatlong bakuna para sa hindi pa nababakunahan.
“To all constituents in the barangays, the community, bring your children to the health centers. If you cannot bring them then they will come to your barangays. There will be schedules to follow kung saan sila o di kaya pwede rin naman mag antay sa bahay bahay ninyo,” pahayag ni City Health Officer Rowena Galpo.
Sinabi niya na tatanggap ang mga health centers sa lungsod ng mga kliyenteng magpapabakuna anumang araw at hindi na magpapatupad ng isang beses sa isang lingo na vaccination schedule.
“They can visit our health centers any day and they can avail of the vaccines,” ani Galpo.
“All of these have been given in the past, they are proven to be safe and effective. This is not new so there is nothing to be afraid of,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Galpo, ang hakbang ay inaasahang itaas ang immunization coverage sa lungsod. Sitwasyon ng tigas. Sinabi ni Dr. Galpo na hanggang sa Pebrero 15 ay may 81 kaso ng tigdas ang naiulat ng pitong nagbabantay na ospital sa Baguio kung saan
ikinokonsidera bilang mga disease reporting units (DRU) sa lungsod.
Noong Pebrero 8 ay may 59 kaso lamang ng tigdas ang naitala.
”No death. Zero death unlike in other regions that’s why we have to do something to control the increasing trend, and it is nationwide,” ani Galpo, at idinagdag na idedeklara pa ng local health office ang measless outbreak.
Sinabi niya na umaakyat ang mga tao sa Baguio at maaaring madala nila ang virus at maaaring madaling mahawa ang mga residente ng lungsod.
“Our mobility, people from Metro Manila where there is an outbreak, they can carry the virus and they can bring it here,” ani Galpo.
Subalit nilinaw ni Galpo na ang pagtaas ng kaso ay dulot ng low immunization coverage sa lungsod na napansin sa huling dalawang taon.
”HSO used to report an immunization coverage of 90 to 95 percent but this dropped to 80 to 85 percent in the last two years,” aniya.
”Scientifically, if the herd immunity is high, it means such number is protected if the virus enters a community. We have to have a herd immunity of 95 percent and we need to reach the most vulnerable- the children, who are more susceptible,” dagdag ni Galpo.
Sinabi niya na ang taong may edad 0 hanggang 20 taong gulang ay maaari pang bakunahan at magkaroon ng immunity sa nasabing virus subalit tumututok ang DOH sa mga sanggol at bata dahil
sila ang pinakamadaling hawaan at kung mabakunahan ay maaari magkaroon ng immunity.
Sinabi ni HSO medical officer Alice Torres na mula 2016 hanggang 2018 ay may 10 laboratory confirmed cases ng Japanese encephalitis (JE) sa Baguio.
Ang JE ay isang mosquito-borne viral infection na naihahawa sa pamamagitang ng kagat ng isang infected female culex mosquito. Color brown ito na nabubuhay sa mga palayan, ground pools,
water hyacinth ponds, slow stream, irrigation, ditches at canals.
Nangangagat ito sa takipsilim at bago sumikat ang araw.
Sinabi ni Torres na nasa 75 porsiyento ng kaso ay mga bata 0 hanggang 14 taong gulang.
“It is a dangerous disease which can cause death in about 30 percent of cases and survivors may have long terms abnormal brain functions. However, it is a highly preventable disease,” ani Torres.
“We may have all the vaccines available but if our clients do not come or if we are not able to give them the vaccines, these vaccines will be useless. So, let us help each other to promote not only
vaccination but all of the health services that we offer,” dagdag niya.
 
 
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon