DOH inumpisahan na ang bakuna sa JE sa CAR at 3 rehiyon pa

LUNGSOD NG BAGUIO – Inumpisahan na ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna para sa Japanese Encephalitis (JE) sa mga bata sa Cordillera Administrative Region (CAR) na isa sa apat na pilot regions sa bansa.
”We will be conducting a house-to-house immunization for Japanese Encephalitis (JE) virus for children ages nine to 59 months old in the Cordillera as well in regions 1, 2 and 3,” ani DOH-CAR officer-in-charge Amelita Pangilinan.
Nais ng DOH na mabakunahan ang nasa 174,032 sanggol at bata.Sinabi ni Pangilinan na kablang ang Cordillera bilang isang pilot area dahil sa naitalang mga kaso ng JE sa mga lugar nito. Noong 2018 ay may 24 laboratory-confirmed cases sa Cordillera.
Ang Baguio City ay may limang kaso; Kalinga, 5; Benguet, 5; Ifugao, 3; Apayao, 3; Abra, 2; at Mountain Province, 1. Mula 2015 hanggang 2017 ay may 36 laboratory-confirmed cases.
Sinabi ni Panglinan na inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagsama ng Japanese Encephalitis sa national immunization schedules maliban sa naunang libreng bakuna na ibinigay ng gobyerno sa mga state-health institutions.
Ang JE ay isang nakamamatay na sakit na apektado ang mga bata.
“If you survive, there could be neurological side effects,” ani Pangilinan, at ipinaalalang maaaring maiwasan ang sakit sa pamamagitan ng bakuna.
Hinimok niya ang mga magulang na dalhin ang kanilang anak sa pinakamalapit na health centers para maiwasan ang pagdami ng mga kasong apektado ng virus.
“Parents should not be scared of the vaccine, there were 400 million doses of vaccines that have been used for the same purpose,” aniya.
“Let us avail the free vaccine that the government is providing. This is at no cost and each one of our children is entitled to the free vaccine,” dagdag pa niya.
Ang bakuna sa JE ay ibinibigay ng mga pribadong doctor sa halagang PhP3,500 hanggang PhP4,000 lamang bawat turok base sa rekomendasyon ng WHO. Subalit tinitingnan ng DOH ang posibilidad ng pagdagdag dito sa listahan ng libreng bakuna
para sa mga sanggol at bata na ibinibigay ng gobyerno.
Ang JE ay isang viral infection mula sa kagat ng impektadong babaing lamok na culex mosquito na umaatake sa mga biktima sa takipsilim at bago bukang-liwayway.
Ang culex ay isang brown-colored mosquito na nabubuhay sa mga bukirin, ground pools, water hyacinth ponds, slow streams, irrigation ditches at canals.
Ang matandang culex mosquito ay kalimitang kumakagat sa mga baboy, gayundin sa mga ibon at tao.
Ang mga health workers na nagsasagawa ng malawakang bahay-bahay na pagbabakuna sa anti-measles ay magbibigay din ng JE vaccination.
 
 
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon