Kalagayan ng mga proyekto sa BGH muling kinumusta

Metro BLISTT

BAGUIO CITY— Makalipas ang dalawang taong progresibong pamamalakad ni Senate Committee on Health chair Joseph Victor Gomez Ejercito sa Baguio General Hospital (BGH), muli niya itong
binisita noong Biyernes, Pebrero 15, 2019 para masaksihan ang mga
ipinatatayong imprastraktura at gusaling nakalaan para sa mga
naninilbihang mga doktor at lalong-lalo na sa mga kababayang Pilipino.

Sa proyektong kaniyang pinasinayaan ay may nakalaang pondong 125 milyong piso para sa pasilidad.

Ngayong 2019 ay umabot na sa halos 17 bilyong piso ang budget sa nasabing proyekto na pinamumunuan ng senador.

Bukod sa mga ipinapatayong mga gusali ay nangakong madaragdagan ang sweldo at kinikita ng mga empleyado sa nasabing ospital.

Magbubukas din ang naturang ospital ng posibilidad na tumanggap ng mga bagong empleyado.

Ito ay malaking tulong sa kanila para lalo pang mapabuti ang kanilang serbisyo sa publiko.

 

 

Gabrielle Daludado,UB Intern/ABN