Natagpuan ang patay na katawan ng isang lalaki bandang 6am ng July 18, 2017 sa Barangay Pattaoig, San Juan, Abra.
Nakatanggap diumano si PSI Rodolfo B. Tubadez ng tawag mula kay Barangay Chairman Elisa Malapote ng nasabing barangay at ipinaalam na nakita diumano ni Teodoro Amit, magsasaka at residente ng Barangay Colabaoan, San Juan, Abra ang lumulutang na katawan ng isang lalaki sa Malanas River partikular sa Brgy. Pattaoig, San Juan, Abra.
Sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ng San Juan MPS, inihayag na ang katawan ng lalaki ay mayroong stabbed wounds sa iba’t ibang parte ng katawan. Kinilala ang biktimang si Marcos Talledo, 45 anyos, single, walang trabaho at residente ng Barangay Badas, San Juan, Abra sa pamamagitan ng pamangkin nitong si Jessie Ta-a.
Sa patuloy na imbestigasyon, pinaniniwalaang naganap ang krimen sa kubo ng biktima dahil sa mga nakitang blood stains at kitchen knife. Ang crime scene ay sinuri ng SOCO team at nakakuha ng fingerprints, blood stains at iba pang ebidensiya na dinala para sa forensic examination. Ang motibo sa pagpatay ay hindi pa malaman at patuloy pa rin ang imbestigasyon.
July 23, 2017
July 23, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025