CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Arestado ang isang barangay kagawad ng Barangay Manambong Sur, Bayambang, Pangasinan bandang 6:30am ng Agosto 15, 2018.
Kinilala ni PSupt Fidel DG Junio, hepe ng Bayambang Police Station, ang suspek na si Nelson Pagador Latorre.
Ipinatupad ng mga pinagsamang tauhan ng Bayambang Police Station at detectives ng CIDG Provincial Force Unit-Pangasinan ang search warrant na may petsang Agosto 13, 2018 para sa paglabag sa Presidential Decree 1866, na inamyendahan ng Republic Act 10591, na inilabas ni Presiding Judge Mervin Jovito Samadan ng RTC Br 70, Burgos, Pangasinan kontra kay Latorre.
Ang implementasyon ng nasabing search warrant ay nagresulta sa pagkumpiska ng isang unit ng Armscor Cal .45 pistol, 11 piraso ng live ammunition ng Cal .45 pistol, isang piraso ng magazine ng Cal .45 pistol, at 11 piraso ng live ammunition para sa shotgun.
Inatasan ni Police Chief Superintendent Romulo E. Sapitula, PRO1 regional director, ang lahat ng chiefs of police na palakasin ang kanilang pagsisikap sa pagsasagawa ng Oplan Katok upang matugunan ang mga isyu ng unlicensed at unregistered firearms sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, inilagay sa kustodiya ng CIDG PFU Pangasinan si Latorre at ang mga nakumpiskang armas para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. PIO-PRO1
August 16, 2018
August 20, 2018
May 11, 2025
May 3, 2025
April 19, 2025
April 12, 2025