BASURERO NAPATAY DIUMANO NG 2 BINATILYO

BAGUIO CITY

Isang 54 anyos na lalaking basurero ang hinihinalang napatay diumano ng dalawang binatilyo noong madaling araw ng Huwebes sa kahabaan ng Longlong Road sa lunsod ng Baguio. Nalaman lang ang mga pangalan ng dalawang suspek na sina Bong 15 anyos at Boying 18 anyos pawang residente ng Tam-awan at Pinsao Barangay sa Baguio City. Samantalang ang biktima naman ay residente ng Longlong barangay. Sa panayam ng Bombo Radyo, kay P/Major Marcy Marron, Information Officer ng Baguio City Police Office sinabi niya na dakong 5:00 ng madaling araw nakatanggap sila ng tawag mula sa isang babae na nakakita sa nasabing insidente na isang lalaki diumano ang nakita niyang nakahandusay sa kalsada.

Ayon sa babae nakita niya ang dalawang lalaki na pumara ng isang taxi upang isugod ang nasabing biktima sa isang malapit na ospital na kung saan ay agad ding dumating ang mga pulis ang isang ambulansya na siniyasat agad ang kalagayan ng lalaki subalit ito ay binawian na ng buhay. Sa imbestigaston ng pulisya, ayon sa salaysay ni P/Maj. Marron na ang dalawang lalaki na diumanoy magdadala sa ospital sa biktima ay sila rin ang lumalabas na suspek base na rin sa nakuhang video sa CCtv na malapit sa pinangyarihan ng krimen. Lumalabas din sa imbestigasyon na sa sobrang bugbog sa ibat-ibang parte ng katawan ang siyang ikinamatay ng biktima na kung saan ay natutulog lamang diumano sa gilid ng kalsada ng mga oras na iyon. Napag-alaman din na walang permanenteng tirahan ang nasabing biktima. Sa kasalukuyan ay nasa isang punerarya ang katawan ng biktima.

Bombo Radyo Baguio

Amianan Balita Ngayon