Bauang LGUs at PNP nagkaisang tumulong sa paglinis sa mga baybayin

BAUANG, LA UNION – Kinagawian na ng local government units (LGUs) ng Bauang at ng Philippine National Police ang magkatuwang na nagsasagawa ng mga paraan para mapanatili ang kapayapaan, kalinisan at mga programa na pinapairal para sa mabilis na pag-unlad ng bawat barangay sa bayan ng Bauang.

Kamakailan, ay magkasamang pumirma ang LGUs at PNP na pinangunahan nina Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III at Bauang PNP chief Major Joel P. Lagto para sa “Pledge of Commitment for the Protection and Conservation of the Environment and its Resources” matapos nagsagawa ng joint coastal clean-up drive sa Paringao, Bauang, La Union.

Sa temang, “Pulisya at Komunidad: Pagbabahagi ng Pananagutan, Pagkilos sa Pagkakaisa,” ang 400 kalahok na nakatuon sa kanilang mga materyales upang mangolekta ng basura sa tabi ng baybayin ng dagat, lahat ay nagtutulungan upang kunin ang nakakalat na mga basura.

“Dapat walang basura o plastik na ikinakalat ang mga bata o ng mga tao dahil ang Bauang ay iginawad ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan ng Rehiyon I noong Hunyo 27 para sa No Plastic Policy nito at dapat nating suportahan ang award na ito.”

Ang mga nakiisa sa paglilinis ay nagmula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), National Grid Corporation of Philippines (NGCP), National Police Commission (NAPOLCOM), Bauang Rural Health Unit (RHU), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Regional Police Community Relation Division (RPCRD), Paringao Elementary School at Paringao National High School.

Ang kaganapan ay naka-highlight sa pagpirma ng mga nangako para suportahan ng mga kinatawan ng mga kalahok na ahensya na pinangunahan nina Evangeline R. Almirante, Direktor ng Rehiyon, NAPOLCOM RO1, PSupt. Patrick Joseph G. Allan, OIC, (RFCRD). ABN

Amianan Balita Ngayon