JHMC Pres Garcia inilahad mga nagawa sa loob ng anim na buwan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nag-imbita si John Hay Management Corporation President and Chief Executive Officer Allan R. Garcia kasama ang kanyang mga managers sa tri-media bilang lubos na pagpapakilala nito sa mga mamamahayag.

Inisa-isang ipinakilala ni Garcia ang kanyang mga kasama na tumataguyod sa kanyang panunungkulan na sina Engr. Bobby V. Akia, manager on Environment Asset Management Department; Atty. Mary Ellen S. Cabuhat, legal manager; Zaldy A. Bello, manager on Special Economic Zone Administration Department; Ronald B. Zambrano, manager on Finance Services Department; Atty Bevienne M. Apaling, manager on Corporate Planning; Darwin S. Perez, manager on Information and Communications Technology Division; at Zyrelle A. Del Prado, community relations officer.

Bagaman sa anim na buwan simula noong Enero hanggang Hunyo na kanyang pagtupad ay naging hamon pa rin ito sa kanya dahil sa maikling panahon ay nakatutok pa rin ang kanilang misyon bilang tagapangasiwa ng Camp John Hay, binubuo ng JHMC ang ari-arian sa isang premier na destinasyon ng turista at pamumuhunan na nagpapatupad ng mahusay at epektibong regulasyon, sinisiguro ang napapanatiling paggamit ng forest watershed at nag-aambag sa pambansang paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho at ang malawak na pananaw nito ay nakatuon sa taong 2018 na ang JHMC ay ang papagbaguhing-anyo sa Camp John Hay bilang pangunahing katalista para sa pagpapaunlad ng turismo sa rehiyon ng Cordillera at ang pinuno ng kapaligiran at pangangasiwa ng kagubatan sa Pilipinas.

Naitala sa loob ng anim na buwan na pumasok na turista sa historical core ay umabot sa 48,636 turista.

Sa pagbuo ng negosyo at paglikha ng trabaho ay nasa 5,300 ang nagtatrabaho sa loob ng economic zone, 92% ng manggagawa nito ay mula sa BLISTT o Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan Tuba at Tublay at ang buong Cordillera.

At sa kasalukuyan ay mayroong 118 na negosyo na gumagawa ng negosyo sa loob ng economic zone.

Ngayon taon ay nakatala rin sa land and asset management ang percentage completion na naisyuhan ng Transfer Certificate of Title (TCT) na 160 beneficiaries at ang tatlo ay naka-pending sa Scout Barrio Housing Project (SBHP).

Sa forest and environment management, forest cover ng Baguio City ay ang BCDA (Camp John Hay) ay nasa 53%, ang military reservation (PMA) ay 21%, ang Busol Forest reserve ay 8%, Civil reservation (Dairy Farm) ay 6%, ang Proclamation 572 ay 6%, ang Camp 8 ay 2% at ang tig-isang porsyento ay Forbes Park 2, 3 at 1 at ang City parks (Burnhams) na may 1% .

Ang pagtatatag ng JHMC Environmental Management System ay sertipikado ng ISO 14001: 2015.

Nagsagawa rin ng isang relief operations para sa Marawi kasama ang mga service provider, security providers at business enterprises sa loob ng economic zone. ABN

Amianan Balita Ngayon