“BIKE FOR A CAUSE” NG UB, SUPORTA SA BARANGAY

BAGUIO CITY

Nagdaos ang University of Baguio (UB) sa pangangasiwa ng UB Research Innovation Extension and Community Outreach (UB RIECO) ng kanilang ikatlong taunang “Bike for a Cause” event sa patuloy na tradisyon ng pagtulong sa itinalagang barangay ng Unibersidad, ang Barangay Lucnab. Muling ibinalik ng UB ang University of Baguio Bolsters
and Inspires Knowledge Economy and Resilient Society (UB BIKERS), at ngayong taon, ang layon nito ay para sa
Visually Impaired Positive and Productive Dreamer Barangay Lucnab, Lindawan Elementary School at Lindawan National High School.

Ang nasabing bike event ay may ruta na 18.2km, na nagsimula mula sa unibersidad, dumaan sa Camp 7, Loakan
Bypass Road, at nagtapos muli sa unibersidad. At sa kabila ng pisikal na hamon ng pagbibisikleta, natagpuan ng mga kalahok ang mga sandali ng pakikipagkaibigan at koneksyon sa kanilang mga kasamang nagbibisikleta. Ayon kay Jaime Camacho, 2nd year architecture student ng University of Baguio, “Not only does it help those in need, but it is fun because you get to meet a lot of new people. For me, I already made five new friends along the way.

”Binigyang-diin din ni Camacho na ang panalo ay hindi ang pangunahing layunin, sa halip, ang partisipasyon at
pagkakaisa sa isang marangal na layunin ang pinakamahalaga para sa kanya. Samantala, hindi lang pagbibisikleta ang mayroon sa event, ngunit kasama dito ang Zumba Dance para sa mga taong nais makibahagi sa layunin ng event sa pamamagitan ng ibang paraan liban sa pagbibisikleta.

Nakakuha ang event ng partisipasyon mula sa 130 na tao, hindi limitado sa mga magaaral at kawani ng UB kundi kasama rin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan tulad ng Guisad Valley National High School at Baguio City National High School, pati na rin ang mga siklista na mula sa lungsod, Pinarangalan ang aktibidad sa pagdalo ni Mayor Benjamin Magalong, BCPO at ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Jether Cabanlong/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon