Benguet siniguro ang sapat na suplay ng gulay

LA TRINIDAD, Benguet – Siniguro ng probinsiya ng Benguet na ang produksiyon at pagbibiyahe ng mga gulay mula sa mga taniman ay magpapatuloy, ayon kay Governor Melchor Diclas noong Miyerkoles.
Sinabi niya na hindi nila isinama ang mga magsasaka sa mahigpit na home quarantine guidelines sa ilalim ng enhanced community quarantine na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunpaman, hinikayat ni Diclas ang ibang mga miyembro ng pamilya ng mga magsasaka at ang buong komunidad na manatili sa bahay ay papayagan lamang silang lumabas para sa mga importanteng pangangailangan.
Sinabi niya na walang pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa mga bukid, na alinsunod sa kautusan sa social distancing. “Konti lang mga tao doon sa garden,” ani Diclas.
Sinabi ni Diclas na ang gulay ay isang pangunahing produkto na kailangan sa panahong ito ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Bukod sa pag-aasikaso sa mga taniman ay pinapayagan ang mga magsasaka na anihin ang kanilang mga produkto, balutin at ibiyahe sa trading post sa La Trinidad, kung saan ang mga mamimili at traders ay bumibili ng maramihan na dadalhin sa iba-ibang palengke sa bansa.
Umaani ang Benguet ng 80 hanggang 85 porsiyento ng highland vegetables na dinadala hanggang Aparri at Batanes sa Visayas at Mindanao, pati sa isla ng Palawan.Sinabi ni Diclas na ipapatupad nila ang social distancing guideline kahit sa mga truckers.
Samantala ay sinabi ni Joel Cervantes, trading post liaison officer ng local na gobyerno ng La Trinidad na isasara nila ang ibang pasukan sa pasilidad bilang control measure.
Sinabi niya na isinara nila ang mga establisimiyento sa pasilidad na walang kaugnayan sa pagkain.
 
LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon