Bilang ng mga nahuhuling naninigarilyo sa Baguio, tumaas

Mar 10, 2018

Tumaas ang bilang ng mga naaaktuhang naninigarilyo at nagtitinda ng sigarilyo sa lungsod.
Ayon sa ulat ng Public Order and Safety Division (POSD), malaki ang itinaas ng mga nahuli nilang lumalabag sa Ordinance 34 series of 2017 o Smoke-free Baguio Ordinance na mula sa 88 katao noong Enero ay naging 219 mula Pebrero hanggang sa unang linggo ng Marso.
Ayon kay Joel Belinan, POSD senior officer, karamihan sa mga ito ay nahuli sa People’s Park at Harrison Road.
Aniya, halos nag-triple ang bilang ng kanilang nahuli bunsod ng nakaraang pagdiriwang ng Panagbenga.
Sinabi rin ni Belinan na paiigtingin pa nila ang paghuli sa mga pasaway na nagtitinda at naninigarilyo sa lungsod. Bukod pa rito ay nakikipag-ugnayan sila sa mga pulis para huliin ang mga lumalabag sa naturang ordinansa.
Ang mga nahuhuling lumalabag ay pinapatawan ng karampatang parusa. Ang mga naaktuhang naninigarilyo sa pampublikong lugar ay pinagmumulta ng P1,000  habang P2,000 naman sa nagbebenta para sa unang opensa.
Sa second offense ay P2,000 sa naninigarilyo at P3,000 sa nagbebenta. Sa third offense ay P3,000 at maaaring makulong ng tatlong buwan sa desisyon ng korte para sa naninigarilyo habang P5,000 naman sa nagbebenta na maaari ding makulong sa desisyon ng korte at kasama na ang pagbawi sa kanilang business permit. MARK PAUL K. PERALTA, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest