“BOY POWERFUL” OFFICIAL, SAKSAKAN NG KAPAL?

Ang bansag sa kanya’y “Boy Chopper” at “Boy S.O.P” ng Senado dahil napakalapad (hindi lang bumbunan) ang papel nya dahil “kanang-kamay” daw siya ni Senate official. Mismong personal na tagaasikaso at taga-monitor kasi itong si “Boy Chopper o Boy SOP” sa mga proyektong isinusulong ng tanggapan ni Senate official. Napakalaki kasi ang mga
proyektong mino-monitor ni “Boy Chopper/Boy SOP” kaya todo-tutok at lingguhang pinupuntahan gamit pa ang
isang helicopter dahil karamihan ay sa Visayas upang isigurado na matapos ang mga ito at i-corner na SOP mula sa mga contractor.

Ito’y patunay na nagkakamali ang bilang ng mga siyentipikong bumababa na ang bilang ng mga buwaya sa Pilipinas, dahil gay ani Boy Chopper/Boy SOP, napakarami pa rin nila! Napakatindi kung humingi ng SOP ang “kanang-kamay” ni Senate official. Ngunit, malakas ang agam-agam kung napupunta sa amo niya ang kinukubra nito mula sa mga contractor? Kilala itong amo ni Boy Chopper/Boy SOP na madaling magalit tuwing nababahiran ng katiwalian, maging ang kaniyang tauhan. Agarang pinapalayas ang tiwaling tauhan kapag ito’y nabuking na.

Sisiguruhin na kaya ng Senate official na bukingin ang kanang-kamay nito dahil mismong ang kaniyang mga kasamahan sa opisina ay nagdududa sa pamumursige nitong ikutan ang mga proyekto? Sabagay, madaling iwaksi
lang sa paligid ni Senate official si Boy Chopper/Boy SOP dahil hindi naman talaga nakaplantilla sa opisina niya ito. Ideny lang ng amo niya ito tuwing me kapalpakan o kinasasangkitang katiwalian, lusot na ang imahe ni Senate official. Ngunit, mahirap sigurong ideny ni Senate official ang kanyang kanang-kamay dahil bukod sa palagiang pagsakay sa chopper, may plakang number 7 rin ang kapal-mukhang kanangkamay. Hindi na talaga ba magbabago ang tiwaling kalakaran sa ating bansang pinamumugaran ng mga buwaya?

Amianan Balita Ngayon