Brigada eskwela, kailangan bang iasa sa mga magulang?

May 21, 2017

Bago sumasapit ang araw ng pasukan ay nagkakaroon ng paglilinis ang bawat eskwelahan sa buong bansa na kung tawagin ng Department of Education ay “Brigada Eskwela” ito ay isang paraan ng eskwelahan upang ayusin, kumpunihin ang mga sira ng classroom, upuan, pisara, pintuan at iba pa.
Ngunit may ilang katanungan ang ilang mamamayan, kailangan bang iasa ang pagsasaayos ng eskwelahan pero may pondo namang nakalaan sa brigade eskwela? Saan napupunta ang mga donasyon ng bawat magulang at iba pang indibidwal na nagbibigay sa mga eskwelahan ng tulong?
Sa paliwanag ng DepEd Cordillera, ang pagbibigay ng donasyon na ayon sa kanila na galing sa puso ay isang masasabing boluntaryo at pati ang mga tumutulong sa pagsasaayos at pagkukumpuni sa mga nasira sa mga nagdaang taon gaya ng mga pulis, magulang, estudyante at iba pang mga organisasyon ay matatawag na boluntaryo.
Hindi raw kailangang manghingi ang mga eskwelahan o guro sa mga tao o organisasyon upang tustusin sa brigada dahil may nakalaang badyet ang DepEd sa mga ganitong aktibidad.
At kung mayroon mang magbigay, ito ay maaaring tulong o donasyon na bukal mula sa mga nagbibigay at hindi rin masasabing iniaasa ang brigada sa mga magulang dahil sila mismong magulang ay kusang nagsasabi sa mga guro na tutulong sila upang maging maayos at malinis ang eskwelahan na papauskan ng kanilang mga anak.
Tama rin ang puntong dapat ding tumulong ang mga magulang at huwag iasa sa mga guro o eswkelahan ang pagsasaayos ng bawat paaralan, subalit sa parte naman ng DepEd dapat din na suklian nila nang maayos at kwalidad na pagtuturo sa mga bata upang maihanda ang bawat bata sa mas mataas na antas ng edukasyon.
Tama rin na dapat malinis at maayos ang eskwelahan o ang kapaligiran ng paaralan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit ng bawat bata dahil kapag malinis at maayos ang kapaligiran nagiging disiplinado ang bawat isa. TFP

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest