BUSKERS, TOURISM COUNCIL NAGSAGAWA NG OPEN FORUM

BAGUIO CITY

Ang Baguio Tourism Council (BTC) at Creative Baguio City Council (CBCC) ay nagkaroon ng open forum kasama ang mga buskers na isinagawa sa Baguio Convention and Cultural Center, kamakailan. Naging pangunahing isyu sa forum ay ang ipinaatupad na patakaran sa ID registration sa lahat ng buskers. Ang criteria ng BTC ay dapat ang isang busker ay may nakaka-aliw na kilos o’
personally made crafts upang isama sa registration.

Kasama din sa ipinagbabawal ang pagtatanghal ng mga nakaka- incite ng bayolenteng aksyon o’ kaya mga hate speech, tulad sa patakaran ng MTRCB. Iminukahi ng na dapat ang isang busker ay magilas o mapasaya ng madla, keysa sa hindi gumagalaw sa kanilang performance. Sang-ayon ang mga matagal ng busking, dahil ang kanilang gawin ay sumusunodsa patakarang ng BTC.

Ayon naman sa iba hindi lang dapat mga makulit gumalaw dahil ang mga cosplayers ay nakakaaliw din sila sa mga makabagong henerasyon. Ang nakasanayan at makabagong pag-tanghal ay dapat igalang. Maaaring gumawa ng iba’t ibang klaseng sining upang maipapakita ang ibang mga klaseng busking.

Trevor Ayangwa-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon