CALL FOR DONATIONS PARA SA MGA BIKTIMA NG BONTOC FIRE

BAGUIO CITY

Hinihikayat ng munisipyo ng Bontoc sa lalawigan ng Mountin Province ang mga donors mula sa Baguio City/Benguet na gustong magbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog noong Abril 11, na dalhin ang kanilang mga donasyon sa D’ Rising Sun Office, Slaughter Compound, Baguio City.
Pinalalahanan ang mga donors na lagyan ng label ang kanilang mga donasyon na “Donation for Fire Victims in Bontoc ? Daplin”.

Sa datos, tinatayang nasa 91 pamilya, na kinabibilangan ng 188 katao ang ang apektado ng sunog noong madaling araw ng Abril 11. Sa mga gustong mag donate ng pera pwede itong isend sa LGU-Bontoc Landbank account. Account name: LGUBontoc, account number: 1042- 1004-27, Landbank Bontoc branch.

Paolo Felipe-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon