CHED, KAAKIBAT SA PAGSULONG NG CORDILLERA AUTONOMY

LA TRINIDAD, Benguet

Isinagawa isang Cordillera Autonomy Summit and Youth Fora sa Benguet State University at ibinahagi ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang kanaisan sa pagsulong autonomy para sa sa Cordillera at pagpapalawig ng paksang ito sa mga estudyate sa kolehiyo. Sa ginanap na program noong Pebrero 16, ibinahagi ni
Menzie Kuengan, Supervising Education Program Specialist at Information officer ng CHED ang kahalagahan ng
pagpapalawig ng adbokasiya ng autonomy sa mga kabataan, dahil limitado lamang ang kaalaman nila sa isyu na ito.

Ang pangunahing layunin ng summit na ito ay ipaalam o ipamahagi sa kabataan ang kahalagahan ng otonomiya.
Isinusulong ito dahil ito ay isa sa mga paraan para maprotektahan at mapreserba ang kultura ng Cordillera. Sa pamamagitan ng mga summit at seminars, layunin nitong pataasin ang partisipasyon at hikayatin ang kabataan sa pakikilahok sa adbokasiya, dahil ang malaking bahagi ng mga rehistradong botante ay nagmumula sa sektor ng kabataan.

Ayon kay Kuengan, ang mga kabataan ay ang instrumento, upang ipaalam ang mensahe sa kanilang mga magulang na na hindi nakapupunta sa mga pagtitipon na tulad nito. Nag-simula ang Cordillera Autonomy Summit sa taong 2023, ngunit hindi lamang ito ang proyekto ng CHED para sa adbokasiyang ito. “Matagal na kaming may program sa CHED, 2012 pa kami nag-simula ng mga programs for Autonomy IEC (Information Education Campaign) for
becoming Cordillera Autonomus Region” pahayag pa naman ni Kuengan.

Kabilang sa lumahok sa pagtitipong ito ay ang Pangulo ng BSU na si Dr. Felipe Comila, at nag-bigay din siya ng
kanyang pananaw tungkol sa paksang otonomiya. Ang summit na ito ay ipagpapatuloy pa sa ibat ibang state universities sa Cordillera. Ang kanilang susunod na destinasyon ay sa Abra State University sa buwan ng Agosto.

Charisse Kate Ricardo/UB-Intern

CHED

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon