Construction worker, arestado sa pananaksak

Nagtamo ng sugat sa leeg at ulo ang isang trabahador matapos itong saksakin ng isang construction worker dakong 3 ng hapon ng Pebrero 5, 2017 sa looban, Iglesia ni Cristo, San Luis, Baguio City.
Ang biktima ay si Gordon Pastor Cervantes, 20 anyos, habang ang suspek naman ay si Eduardo Bermudez Mugot Jr., 34, may-asawa, parehong residente ng naturang lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng pulis ng Baguio, ang biktima at ang suspek kasama ang kanilang katrabaho ay nag-iinuman nang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at nauwi sa bugbugan hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima.
Ang biktima ay dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center dahil sa natamo nitong sugat sa kanyang leeg at ulo at nangangailangan ng agarang operasyon.
Inaresto na ng mga opisyal ng pulis ang suspek at ikinulong sa Baguio City Jail. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

Sisterhood

Amianan Balita Ngayon