Mandurukot, huli sa Session Road

Nabawi ang pitaka ng isang babaeng nabiktima ng pandurukot matapos mahuli ang suspek sa Session Road, dakong 4pm ng Pebrero 5, 2017.
Ayon sa report, ang biktima at boardmates nito ay kakasakay sa taxi nang nadiskubre ng biktima na nawawala ang kanyang wallet kaya agad bumalik ang mga ito sa isang kainan sa La Azotea ngunit hindi nila nakita ang pitaka.
Habang pababa ang biktima ay sinabi ng security guard na napansin niyang may lalaking naka-maroon jacket na may hood ang nasa tabi ng biktima habang pasakay ito ng taxi. Paglabas sa building ay nakita ng biktima ang tinutukoy ng security guard at pinahuli agad sa pulis. Nabawi ng biktima ang wallet nito at dinala ang suspek sa Baguio City Jail.
Ang suspek ay nakilala sa pangalang Jefferson Mariano. Sarah Balagtas, UC Intern

Amianan Balita Ngayon