CORDS ng Cordillera suportado ang awtonomiya

Nagbigay ng suporta si Agriculture Secretary na si William Dar na siya ring Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) na kung saan ay nagpakita ng suporta sa adhikain ng mga taga Cordillera tungo sa kanilang kasarinlan o Cordillera Autonomous Region na kung saan ay halos umabot na ng 33 taon ay hindi pa rin nagkakaroon ng linaw ang daan sa pagkakaroon ng Autonomiya ng Cordillera.

Sa kanyang mensahe sinabi niya na , “The ardent hope that I express on this 33rd anniversary of the CAR with the theme, One Resilient Cordillera: Embracing the New Normal Towards Recovery, is that its people and leaders, will be the primary agents of the region’s progress and the realization of the Autonomous Region of Cordillera towards federalism in this part of the country.”

Naganap ang selebrasyon ng Cordillera Day sa noong Hulyo 15, 20202 sa bulwagan ng Unibersidad ng Pilipinas na kung saan ay dinaluhan din ng mga opisyal ng Baguio City.

Sinabi ni Dar na ang kanyang tangapan o ang buong pamilya ng Department of Agriculture ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbibigay ng suporta sa regional development ng Cordillera lalo na aniya sa usaping pang Agrikultura na kung saan ay siyang back bone ng ekonomiya ng bansa.

Ipinahayag pa niya na bilang pagsuporta ay naglaan ng P1.1 bilyong halaga ang kanyang tangapan bilang suporta sa agrikultura ng buong Cordillera lalo na aniya sa mga far-flung communities na kung saan ay lugmok sa kahirapan na kung saan ay siyang pinamumugaran ng mga rebelde na kailangan ng tulong upang guminhawa ang kanilang kabuhayan sa pagsasaka.

Nakibahagi rin ang lahat ng opisyal ng mga lalawigan na kung saan ay nagbigay rin ng kanilang saloobin hingil sa pagdiriwang ng Cordillera at suporta sa laganapan ng awtonomiya sa pamamagitan ng teleconferencing na ihinanda ng Cordillera Regional Development Council (RDC) at ng Economic Development Sectoral Committee na pinamumunuan ng Department of Trade and Industry ng Cordillera.

Samantalang isang seremonyas naman ng “Ipitik di tapey Rirual” naman ang ibinahagi ni dating mayor Mauricio Domogan biang elder ng tribu ng Cordillera. Matatandaan na si Domogan at dating Kongresista Bernardo Vergara, dating Youth Rep. Edgar Avila ang ilan lamang sa mga namuno upang maisulong ang kaganapan ng awtonomiya subalit ito ay dlawang beses na ibinasura ng mga taga Cordillera sa pmamagitan ng plebisito.

PIA-CAR/ABN

Amianan Balita Ngayon