“CRACKDOWN SA PERYAHAN NG BAYAN SA CAGAYAN, DI UMOBRA”

Sa kabila nang mahigpit na tagubilin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipatigil na ang
jueteng operations ng Globaltech na ikinubling “Peryahan ng Bayan” (PnB) nagpatuloy at hindi man lang
ito natinag sa Cagayan Province. Mismong si Cagayan Governor Manuel Mamba nga’y tila nag-surrender sa katigasan ng ulo ng mga nagpapatakbo nito.

Hindi kinayang umaksyon ang Cagayan Valley regional police kahit nakaupo na mismo bilang PNP Chief ang bumangga nun sa PnB sa Pangasinan na si Lt. General Rodolfo “Jun” Azurin. Ganyan kabigat ang mga may bulsang nakikinabang sa iligal na operasyon ng PnB sa Cagayan, Gov. Mamba? Kung totoo, mas manipis pala ang mukha at di gaanong katapang ang apog ng kapulisan sa Pangasinan dahil
sa wakas ay pinatigil na rin ang Globaltech sa pagbabalahura sa kautusan ng PCSO kontra sa PnB.

O baka naman ningas cogon lang ito ni Gov. Ramon Guico III upang pumogi bilang paghahanda sa nagbabadya pa ring tunggalian nila ng natalong si Amado “Pogi” Espino III sa 2025? Ngunit di katulad ng
Pangasinan, kilo-kilometro na ang kapal ng naisiksik sa tenga ng mga otoridad lalo na ang kapulisan upang magbingibinginan sa napakalinaw na bilin ng PCSO kontra sa PnB. Ang namumukod-tanging
rason? Mas malaki kasi ang nakukuhang pabuya o “tolerance fee” ang mga nagbabalewala sa tagubilin ng
mga nakatataas sa kanila?

Amianan Balita Ngayon