TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan, Barangay Uma, Lubuagan ang nabigyan ng tulong medical. Gamit ang BP app, stethoscope at dental tools, ang mga Medical Reserve Force ng Kalinga Police Provincial Office at iba pang mga medical trained personnel ay nagbigay ng libreng konsultasyong pang-medical at dental.

Tulong-tulong nilang isinagawa ang libreng medikal check-up, pagbabakuna (COVID-19 vax), bunot, paglilinis ng ngipin, at tuli sa mga residente. Bukod pa rito ay namigay din sila ng mga libreng gamot at libreng gupit. Samantala, hindi rin kinaligtaan ng mga kapulisan ang magbigay ng impormasyon patungkol
sa illegal na droga at terorismo.

Ang matagumpay na outreach program ay dahil sa pagtutulungan ng kapulisan, LGU, at ilang pribadong sector na naglalayong maipaabot ang tulong serbisyo sa ating mga kailyan sa Kalinga. Kasabay ng programang ito ay ang paglulunsad ng programang Revitalized PNP KASIMBAYANAN o ang Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan na nagkakaisa tungo sa kaunlaran.

(PROCOR-PIO)

Amianan Balita Ngayon