LUNGSOD NG BAGUIO – Nasagasaan ang isang dalaga bandang 3:20am ng Agosto 20, 2018 sa kahabaan ng Legarda Road malapit sa Caltex Gasoline Station, Baguio City.
Kinilala ang biktimang si Jovylaine Manzano Pascual, 19anyos, crew sa Jollibee Legarda at residente ng Km 3 Asin Road, Baguio City, habang ang nakasagasa ay kinilalang si Jubail Aliman Laranang, 34anyos, meat vendor at residente ng Copper Street, Baguio City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula sa Marcos Highway ang Mitsubishi Fusion Wagon na may plakang AES 468 na minamaneho ni Laranang patungong direksyon ng Yandoc Street at habang tinatahak ang kalsada ay aksidenteng nabangga si Pascual na tumatawid sa pedestrian.
Nagtamo ang biktima ng mga sugat kaya dinala ng isang concerned citizen ang biktima sa BGHMC para malunasan.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang traffic accident investigators sa pinangyarihan ng insidente, inalalayan ang biktima at matapos ay kinumpiska ang driver’s license ni Laranang at binigyan ng traffic citation ticket sa paglabag sa trapiko. Ang kaso ay iimbestigahan pa. PIO-PROCOR
August 28, 2018
August 29, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025