Babae, huli sa pagnanakaw

LUNGSOD NG BAGUIO – Huli sa pagnanakaw ang isang babae bandang 2pm ng Agosto 20 sa grocery ng Puregold Price Club Inc. na matatagpuan sa Coyeesan Hotel Plaza, Naguilian Road, Baguio City.
Naghain ng reklamo si Michael John Pasuquin, section supervisor ng nasabing grocery, laban kay Felicitas De Vera, 36anyos, residente ng Victoria Village, Baguio City.
Sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa Puregold at namili ng mga grocery items at binayaran sa counter ang kabuuang P99.25 para sa assorted items. Matapos makapagbayad, bumalik ang suspek at isinilid sa kaniyang eco bag ang mga items na nagkakahalaga ng kabuuang P912 at lumabas sa expansion area nang hindi ito binabayaran sa cashier. Ang mga items na kinuha ng suspek ay isang Premium spaghetti 450g nagkakahalaga ng P30.30; dalawang Kingsue Hawaiian ham sliced 250g na P58 bawat isa; dalawang Kingsue sliced bacon 500g na P235 bawat isa; limang piraso ng Libbys Vienna sausage 130g na halagang P37 bawat isa; at isang Colgate TP GRF 95ml na may halagang P109.
Inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa kasong theft laban sa suspek at para sa inquest proceedings. PIO-PROCOR

Amianan Balita Ngayon