Unexploded ordnance, natagpuan sa Convention Center

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC) mula sa Tactical Operations Center (TOC) ng Baguio City Police Office upang tumulong sa pagkuha ng unexploded ordnance na iniulat ng mga tauhan ng Highway Patrol Group bandang 10:30am ng Agosto 23, 2018.
Ang ordnance ay isang M67 fragmentation hand grenade na nasisira nang kondisyon at nakita ng mga trabahador ng Spider One Construction sa maintenance room ng Baguio Convention Center bandang 9:30am ng parehong araw.
Itinurn-over ni security guard Kevin Jay Aranca ng CL BACMOA Security Agency, na nakatalaga sa nasabing lugar, ang granada kay PO3 Henry Acoking ng HPG Regional Office at kalauna’y inilipat sa Explosive Ordinance Disposal Team (EODT).
Ang ordnance ay dinala naman sa CMFC office para sa pansamantalang pag-iingat habang naghihintay ng disposal sa Crow Valley, Sta. Juliana, Capas, Tarlac. BCPO

Online PASS

Amianan Balita Ngayon