DAR TURN-OVER P1.2M FLATBED DRYER SA IFUGAO ARBs

BAGUIO CITY

Pormal na ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform -Ifugao ang P1.2 milyong Flatbed Dryer sa Hope Farmers Organization (HPO) mula sa may 60 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at mga miyembro nito, noong Agosto 29 sa Barangay Namnama, Alfonso Lista, Ifugao. Sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPSP) – Major Crop-Based Block Productivity Enhancement, ang proyekto ay may kabuuang P1.2 milyon ay kinabibilangan ng pagtatayo ng isang flatbed shed at ang pag-install ng flatbed dryer na may kumpletong accessories.

Ayon kay ARB and HPO president Nonilon Guingahan, “Dakkel nga tulong na daytuy during harvest season lalo nu mairana nga pinagtutuunan. At least tatta madi mabuluken dagituy mais mi. Maisigurado mi nga dakkel ti paglakwan mi ta good quality tuy produkto mi.” [Malaking tulong ito para sa aming mga magsasaka sa panahon ng panahon ng ani, lalo na kapag umuulan. At least
ngayon, hindi na mabubulok ang mais natin.

Makakasiguro tayo na tayo ay magkakaroon ng higit na tubo dahil masisiguro natin ang magandang kalidad ng ating produkto) Pinangunahan ni Chief Agrarian Reform Program Officer (CARPO) Leonor Bascos ang seremonya, na sumisimbolo sa isang kolektibo pagsisikap tungo sa pag-unlad sa sektor ng repormang agraryo. Isang pormal na paglagda ng isang Memorandum of
Agreement (MOA) at isang kasunduan sa pagtitiwala ang isinagawa upang magsilbi bilang isang testamento sa pangako ng lahat ng mga partidong kasangkot.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon