BAGUIO CITY
Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng New People’s Army (NPA) ang nangako ng kanyang katapatan sa gobyerno,habang siya ay boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Irisan,
Baguio City,noong Hulyo 1. Kinilala ang dating CTG na isang 57-anyos na lalaki na kilala bilang Delio, na lumahok sa CTG noong 2003, na nagsilbing contact sa Gumhang, Tinoc, Ifugao. Siya ay miyembro ng binuwag na Kilusang Larangan Guerilla (KLG) Ifugao at kalaunan ay inilipat sa binuwag ding KLG AMPIS noong 2018.
Nag-operate ang kanyang grupo sa Ifugao, Mountain Province, at Baguio City hanggang Hunyo 2024. Sa kanyang pagsuko ay isinuko din niya ang kanyang kalibre .45 na baril, ilang mga live ammunition, at isang fragmentary hand grenade. Ang kanyang pagsuko ay pinasimulan ng BCPO, Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15), 5ID, PNP Special Action Force (SAF), NICA-CAR, Mt. Province Provincial Police Office, at Regional Intelligence Unit (RIU 14).
Nakalaya na siya sa kustodiya habang ang kanyang enrollment sa DILG-Administered Package of Assistance, sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ay nasa proseso na.
ZC/ABN
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025