Malaki ang pasasalamat ni Punong Barangay Edward G. Lumasang ng mabigyan siya ng pagkakataon mamuno sa barangay Cabinet Hill-Teacher’s Camp para sa kanyang ikalawang termino ng kanyang panunungkulan ay nagkaron ng katuparan ang paglipat sa bagong barangay hall na may tatlong palapag.
“Nang pinalad akong mahalal bilang kapitan ay inuna kong ginawa ang maghanap ng lote para sa barangay hall, dahil ang barangay hall namin ay mula pa sa panahon ni dating Punong Barangay Tomasito Calasicas na ngayon ay naging kasama namin bilang kagawad, mahigit 30 taon na ang nakaraan na pinagtiisan ng mga naunang barangay officilas ang lumang barangay hall, ngunit ngayon ay nakamit na namin ang sagot sa aming mga panalangin at sa mga taong nagkusang nag-ambag ng kanilang suporta, sa pamamagitan ng local government fund,”
“Maganda ang kinatatayuan ng barangay hall namin na ang first floor nito ay health services at para sa Senior Citizen ang 2nd floor naman ang main office namin at ang 3rd ay para sa youth center at conference hall, malawak rin ang bakuran nito, na sa tulong ng aking mga kasamang kagawad at tanod ay ginawa itong landscape park garden,”
Ipakilala natin ang mga aktibong kagawad na may likas na kakayahan para pagsilbihan ang mahigit na tatlong libong populasyon sa barangay ng Cabinet Hill – Teacher’s Camp. Ito ay sina Kag. Emelda N. Mangulabnan-Komite ng Appropriation, Sports, Womens and Family, Kag. Merlita G. Ora- komite ng Environmental, Clean & Green at Health Sanitation, Kag. Tomasito D. Calasicas- Komite ng Infrastructure at Tourism, Kag. Felix G. Gomia-Komite ng Ways and Means, Human Rights at Trade Industry, Kag. Manuel R. Rasing Sr. Komite ng Peace and Order, Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at BPOAC, Kag. Segundo C. Cantor Sr.-Komite ng Livelihood at Protection of Children at si Kag. Marly Noel G. Pacis- Komite ng Social Services, Education and Culture, Religious and Spiritual at Disaster Risk Reduction Management.
Bagamat ayon kay Kag. Pacis, “Ang mga hinahawakan namin komite ay hindi lamang ginagawa ng isang kagawad kundi kailangan ay handa pa rin kami na talikdan ang lahat ng komite kung kinakailangan, halimbawa kung wala ang isang kagawad hawak ang kanyang komite ay kailangan agad na harapin ito ng isang kagawad upang pagsilbihan, na sinang ayunan naman ito ni Kapitan.
Tanging ang Barangay Ordinance No. 01 Series of 2015 “Enacting A Comprehensive Barangay Tax Ordinance Imposing Taxes or Barangay Fees” (Barangay Clearance Fees, Barangay Business Clearance Fees, Certification and Filing Fees)
Ipinagmalaki ni Kapitan na ang kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) ay tumaas mula sa taong 2015 na P3 milyon ay umabot ngayon taon sa P3.5 milyon.
May proyektong ipinasa na sa konseho ito ay ang “Evacuation Center” Multi-Purpose Hall at Basketball Covered Court sa parking lot ng Teacher’s Camp na may 150 sq meter.
“Mula ng maikabit ang mga CCTV sa mga designated areas sa barangay ay bumaba ang krimen ng mga pagnanakaw, holdapan at kaguluhan ngunit hindi lamang maiwasan na kahit 9pm ang curfew sa pagtitinda ng mga alak ay may nakakalusot pa rin na nakakabili ang iba dahil may mga convenience store tayo rito ngunit huwag lamang mahulihan na nag iinuman sa labas ng kanilang tahanan dahil may mga matatapang tayo na tanod na nagpapatrulya na kasama ang ilang pulis,”
Day Care Center sa Teacher’s Camp pinutulan ng kuryente mula noong 2015 pa, dahil umano’y oral agreement lang
Isa sa pinu-problema ni Kapitan sa Teacher’s Camp ay ang Day Care Center na hanggang ngayon ay nag-aaral ang mga bata ng walang kuryente.
Pinagamit ng Camp Superintendent ng Teacher’s Camp ang Day Care center sa tabi ng Oval noong 2004 ngunit ito ay oral agreement lang sa teacher, ngunit noong 2015 ay bigla na lang pinutulan ito ng kuryente dahil naipun ang bill ng kuryente na umabot sa P84,000 mula 2007 hanggang 2015 at ngayon 2017 sa aking termino ay sa akin na sinisingil ang P87,000 kaya pinuntahan ko ang COA upang alamin ito, hindi raw maaari magbayad sa previous na utang ng barangay, ang gusto nila mangyari ay mabayaran ito ngunit wala kami maibigay pambayad dahil honorarium lang naman ang natatanggap namin sa barangay, nangako naman si mayor Domogan na babayaran mula sa IRA.
Ni: Mario D. Oclaman, mobile # 09473472254
November 11, 2017
November 11, 2017
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025