Dayuhan, inireklamo ng pananakit sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Inireklamo ang isang Yemeni National nang saktan ang isang dalaga bandang 4am ng Oktubre 4, 2018 sa Daluyen Building, Modernsite, Aurora Hill, Baguio City.
Inireklamo ng 22 anyos na dalaga, unemployed, residente ng Km 4, La Trinidad, Benguet, si Saleh Ahmed Haidara, 23 anyos, student/tourist, Yemeni National at tenant ng Bugallon St., Aurora Hill, Baguio City, sa Station 6 ng BCPO bandang 9:40am ng parehong araw dahil sa pananakit.
Sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa nang biglang sampalin ng suspek ang biktima nang maraming beses hanggang nahulog sa sementadong hagdan ang biktima at nawalan ng malay. Dinala ang biktima sa SLU Hospital para mabigyan ng lunas habang inaresto ang suspek ng mga rumespondeng tauhan ng PS6-BCPO.
Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa inquest proceedings laban sa suspek.

Amianan Balita Ngayon