Kinasuhan sa Ombudsman ng graft and corruption si Benguet Vice Governor Ericson Felipe kaugnay sa diumano’y kawalang delicadeza ng opisyal nang tumanggap ng napakaraming patrabaho de gobyerno ang construction firm na Tagel Corporation. Ayon sa civil society organization Task Force Kasanag (TFK), nilabag ni Vice Gov. Felipe ang mga nilalaman ng Republic Act 3019 and 6713 (Anti-Graft at Ethical Standards of Government Officials) sa kadahilanang 60 percent ang kanyang stake Tagel Corp. (na umaabot sa P300 million) at nagamit ang posisyon bilangBise-gobernador upang ma corner ng kumpanya niya ang napakaraming patrabaho de gobyerno.
Sa katunayan, nakakuha ng kumpanya ni VG Felipe ng 30 government contracts mula 2022 at 2023 na umaabot sa P1.35 billion. Hindi ba naisip kaya ng opisyal na maliwanag na “conflict of interest” ang pagsali ng kanyang kumpanya sa mga patrabaho ng gobyerno sa kabila ng kanyang mataas na posisyon sa pamahalaan? Diin ng TFK na tampok sa reklamo kontra sa opisyal ang kahalagahan ng pampublikong interes, lalo sa usaping accountability bilang public official. Paliwanag pa ng TFK, ang desisyong pagsampa ng kaso sa Ombudsman kontra kay VG Felipe ay kaakibat sa pangako ng grupong pangalagahan ang publiko, partikular ng mga taga Benguet, mula sa korapsyon at abuso ng pamahalaan.
Naniniwala ang anti corruption group na kinakailangang magpaliwanag ang mga gaya ni VG Felipe upang mapangalagahan ang mga pampublikong rekurso, lalo na ang pondo, ay hindi inaabuso at parating bukas sa pag-usisa ang lahat ng nangyayari sa pamahalaan. Madaling ipagkibit-balikat lamang ni VG Felipe ang reklamo sa kanya bilang pamumulitika dahil malapit na ang paghahain ng kandidatura para sa nalalapit na 2025 elections, dahil tatakbo ito bilang Kongresista. Ngunit taumbayan na, lalong lalo na sa mga taga Benguet, na magpursiging mapanagot ang opisyal sa abusong nagawa upang hindi pamarisan.
September 29, 2024
September 29, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024